Krizzia's POV
Napakurap ako ng dalawang beses nang bumungad sa akin ang puting kisame. Mabilis akong napabangon at napatingin sa paligid.
Base sa nakikita ko, nasa isang hospital ako. Napalunok ako. Maputi at malinis ang paligid. Dumako ang tingin ko sa isang kama kung saan nakahiga ang isang lalake. Nakatalikod siya sa direksyon ko. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang nakatingin sa lalake.
Tumayo ako at unti-unting lumapit sa kaniya. Natulala ako nang makita ko ang mukha ni Dylan na mahimbing na natutulog. May maliit na sugat siya sa bandang ilong niya habang may band-aid naman sa itaas ng kaliwang mata niya.
Anong nangyari sa kaniya? Iyan ang unang pumasok na tanong sa isip ko. Nakasuot siya ng maputing t-shirt.
Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang lamig dahil sa air conditioner. Napatingin ako kay Dylan. Hindi ko mapigilang magtaka. Hindi siya nanginginig dahil sa lamig. Siguro sanay na siya. Hanggang beywang niya lang ang comforter kaya hinila ko ito hanggang sa braso niya.
Bumalik ako sa couch at umupo. Napahinga ako ng malalim at tumingin kay Dylan.
Handa na ba ako? Tanong ko sarili ko. Handa na ba akong hayaan siya na pumasok sa mundo ko? Handa na ba akong makipag-kaibigan ulit?
Napailing ako nang pumasok sa isip ko ang sinabi sa akin ni Dylan noong hinatid niya ako pauwi.
"Come on, Krizzia. Everyone needs someone. Someone who's going to understand you. And I'm willing to be that someon,"
Gusto ni Dylan na pasukin ang mundo ko. Gusto ni Dylan na maging kaibigan ko siya. Handa na akong magbago. Inumpisahan ko na kay Nanay Asuncion.
Huminga ako ng malalim bago tanggapin ang desisyon ko.
Papayagan ko na siya. Gusto kong maging masaya ulit. Gusto ko magkaroon ng isang kaibigan na madaling malapitan kapag malungkot ako o may problema.
Dylan's POV
Mabilis akong napabangon dahil sa panaginip ko. God, why did I dream of her? Nasa panaginip ko si Krizzia. Masaya kaming dalawa. We did biking. We walk while holding hands. We smiled to each other. We f*****g kissed.
Come on, Dylan. It's just a dream.
Hindi ko alam pero para akong nanghina nang maalalang panaginip lang iyon.
Napahawak ako sa sentido ko nang maramdaman ang kirot nito dahil sa malakas na pagkauntog ko. Dalawang araw na ang nakalipas. Maayos naman na ako. Kaya ko na tumayo.
Mabilis akong napatingin sa bahagi kung nasaan ang couch nang may marinig akong umungol mula dun. Madilim ang buong kwarto. Walang bintana para magbigay ng unting liwanag. Ginamit ko ang vision ko bilang bampira.
Naging red ang buong paligid sa paningin ko. Lahat ng bagay na walang kulay ay nanatiling kulay pula. Kapag naman buhay ay kulay puti. Natigilan ako nang makitang may babaeng nakahiga sa couch. Rinig ko ang normal na heartbeat niya.
Mabilis akong bumangon at lumapit sa kaniya. Nakatalikod siya sa akin. Nakaharang ang buhok niya sa mukha niya kaya tinanggal ko iyon. Bumungad sa akin ang pagmumukha ni Krizzia. Nakita kong nanginginig siya sa sobrang lamig.
Lumapit ako sa air conditioner at pinahinaan ito. Kinuha ko ang comforter at ikinumot iyon sa kaniya.
Nang makitang hindi na siya nilalamig, mabilis akong bumalik sa kama at sumandal sa headboard. Hinayaan kong patay ang ilaw para hindi siya magising.
"Anong ginagawa niya dito?" bulong ko sa sarili ko.
Naiyukom ko ang kamay ko nang maalala si Brian at Theo. Siguradong sila ang may pakana kung bakit nandito si Krizzia. Nanggagalaiti ako dahil sa galit. Sinaktan ba nila si Krizzia para madala siya dito? Pinilit ba nila? f**k! Nakita na ba niya ako?
Huminga na lang ako nang malalim para kumalma. Humiga na ako at humarap sa direksyon ni Krizzia.
Dalawang araw na ang lumipas simula nung maaksidente ako. May isang katanungan ang gumugulo sa isipan ko. Bakit hindi ko nagamit ng maayos ang kapangyarihan ko?
Napangiti ako dahil sa iisang sagot na alam ko pero parang wala namang sense. Dahil sa halik ni Krizzia. Napailing ako habang may ngiti pa rin sa labi ko.
MABILIS NA napabangon si Krizzia nang maramdaman may nakabalot sa kaniya. Sumasayad na sa maputing tiles ang comforter na nakabalot sa kaniya.
Napakurap-kurap si Krizzia nang makita si Dylan na nakatingin sa kaniya habang may ngiti sa labi.
"Good morning!" nakangiting sabi ni Dylan at kinindatan siya.
Napayuko siya para umiwas ng tingin. Alam niyang namulala na ang pisngi niya.
Dylan is back. Sabi ni Krizzia sa kaniyang isip. Sa nakikita niya kay Dylan na nakangiti sa kaniya, mukhang bumalik na ang lakas nito. Kukulitan na siya nito. Dapat na siguro niyang ihanda ang sarili dahil hindi siya sanay na kinukulit.
Tumayo siya at tumungo ng banyo. Napatingin siya sa sarili sa salamin. Hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya nang makitang may morning star siya sa kaniyang mata. Magulo ang kaniyang buhok. Nakaharap niya si Dylan na gano’n ang itsura niya. Hindi niya alam kung may mukha pa siyang maihaharap kay Dylan dahil sa kahihiyan.
Binuksan niya ang gripo at ginamit ang sabon ng hospital para maghilamos. Kinuha niya ang libreng tuwalya ng hospital na nakasabit at pinunasan ang kaniyang mukha.
Ginamit niya ang kamay bilang suklay dahil wala siyang dala na suklay. Wala naman talaga siyang dinadala na mga kikay stuff since hindi na siya mahilig umarte.
Dati lang iyon, hindi na ngayon.
Huminga muna siya ng malalim bago binuksan ang pintuan.
Mabilis na dumako ang kaniyang tingin kay Dylan na hinihimas-himas ang tiyan nito. Nakangusong tumingin sa kaniya si Dylan.
"Krizzia?" paawa nitong sabi.
Tumingin lang siya dito. Hindi naman kasi niya alam ang sasabihin.
"Puwede mo ba akong pagbalatan ng mansanas?" nakanguso pa rin nitong sabi sa kaniya.
Para siyang napako sa kinatatayuan niya. Pumasok sa isip niya ang pagtanggap sa lahat ng taong gustong lumapit sa kaniya.
Napahinga na lang siya nang malalim bago lumapit sa basket na may lamang mansanas, saging, orange, at mangga. Kumuha siya ng mansanas bago kinuha ang maliit na kutsilyong nasa tabi ng basket at binalatan ang mansanas.
Nang mabalatan niya ang mansanas, nilagay niya ang mga balat ng mansanas sa trash bin na nasa banyo bago lumapit kay Dylan at inabot dito ang mansanas. Nagtatakang nakatingin sa kaniya si Dylan habang hawak pa rin niya ang mansanas.
"Anong gagawin ko diyan?" nakakunot ang noo na tanong sa kaniya ni Dylan.
Siya naman ngayon ang nagtaka at medyo nakaramdam ng pagkairita.
"Kainin." sagot niya kay Dylan.
Ngumuso ulit si Dylan sa kaniya. Naramdaman ni Krizzia ang pagbilis ng t***k ng puso niya.
"Well, I'm sorry to tell you pero fractured ang kamay ko," sabi ni Dylan sa kaniya.
Lie. He did lie. Gusto niyang kulitin si Krizzia at gagawin niya iyon sa pamamagitan ng pagpapasubo ng mansanas.
Alam ni Krizzia na nagsisinungaling lang si Dylan. Walang kumot si Dylan na dapat nakabalot sa sarili nito. Sigurado si Krizzia na si Dylan ang naglagay ng kumot sa kaniya.
Hindi naman siya nakaramdam ng galit dahil nagsinungaling ito. Alam niyang nagsisimula na si Dylan na kulitin siya at hahayaan na niya ito sa gusto nitong gawin.