Planned

1073 Words
Krizzia's POV Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba habang sumisilip sa katabi kong pinsan ni Dylan. Si Theo. Kahapon pa siya nakangiti. Tuwing magkakatinginan kami, mas lalo siyang ngingiti. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya kaya iyon ang ikinakaba ko. Hindi ko alam kung mabait siyang tao o hindi. Napahinga na lang ako ng malalim. Mas pipiliin ko pa si Dylan na makatabi kaysa sa lalakeng 'to na hindi man ako kinakausap pero parang baliw na laging nakangiti tuwing magkakatinginan kami.  Natapos na ang second class. Dahan-dahan kong pinasok sa bag ko ang gamit ko. Napatigil ako nang marinig kong sinabi ni Theo ang pangalan ni Dylan. Napatingin ako sa kaniya. Nakatalikod siya sa akin habang may kausap sa phone niya. "Sorry, Dylan. Can't do. Baka hindi gawin ni Brian ang gusto ko. What? Hindi na. No need.” He laughed. “So, kailan ka makakalabas diyan sa hospital? Really? Sige. Bye." sabi niya at pinatay ang tawag. Napatulala ako. Anong ginagawa niya sa hospital? Did something happened to Dylan? "Pasaway kasi, e. Hindi nag-iingat." sabi ni Theo na nakita kong nakangisi bago lumabas ng room. Parang nakahinga ako ng maluwag nang makalabas siya ng room at naiwan akong mag-isa. "Tsk! Pasaway kasi, e. Hindi nag-iingat." Napahinga na lang ako ng malalim saka lumabas ng room. Nagtatakang napalingon-lingon ako sa paligid. Bakit walang mga estudyante dito sa corridor? Napatingin ako sa relo ko. Break time na kaya dapat may mga nakatambay na dito. Agad akong napatigil nang biglang lumitaw sa harap ko si Kate kasama si Theo. Magkahawak sila ng kamay habang nakangiting nakatingin sa akin. Napaurong ako nang lumapit sa akin si Kate at itinapat sa mukha ko ang kanan niyang kamay kasabay ng pagkaramdam ko na parang inaantok. "Sleep, Krizzia. You'll meet him, later." rinig kong sabi ni Kate bago ako natumba at nawalan ng malay.   Theo's POV It's time. Napangisi ako bago sinagot ang tawag ni Dylan. Tumalikod ako at medyo lumayo. Planado ang lahat ng ito. Kagagawan na naman ni Brian. Kahapon ay nakausap ko siya. Tinanong ko kung bakit ba kailangang kong bantayan si Krizzia. Sinabi niya sa akin ang lahat. Loko talaga. “Damn you, Theo! Palabasin niyo ako dito!” sigaw niya sa kabilang linya. "Sorry, Dylan. Can't do." nakangisi kong sabi. Hindi ko mapigilang mas mapangisi nang maramdaman kong nakikinig na si Krizzia sa akin. “f**k! Why?!” "Baka hindi gawin ni Brian ang gusto ko." “Ano bang gusto mo? Ako na ang magbibigay?” " What? Hindi na. No need." natatawa kong sabi. Narinig ko naman na napamura siya sa kabilang linya. I laughed. “So, kailan ka makakalabas diyan sa hospital?" tanong ko. “Tomorrow.” "Really?" “Yup! Sige. Bye. Just remember this, sasapakin kita kapag nakalabas ako dito.” Napangisi na lang ako. "Sige. Bye." Hindi ko mapigilang mas mapangisi. Alam ko naman na kabaliwan itong ginagawa namin ni Brian. Kasalukuyang ni-lock namin si Dylan sa isang kwarto sa ospital kung saan ang isa sa mga magaling nilang doctor doon ay bampira. Sa tulong niya, naipasok namin si Dylan dun. Planado itong lahat ni Brian. Baliw na lalakeng iyon. Naloko ako. Medyo lumapit ako kay Krizzia para marinig niya ang sasabihin ko. "Pasaway kasi, e. Hindi nag-iingat." nakangisi kong sabi at lumabas ng room. Agad kong sinenyasan ang mga estudyante na magsipasok sila sa loob ng mga room nila at isarado ang mga pintuan. Mabuti naman at masunurin sila. Mabilis silang nagsipasok sa mga room nila at sinarado ang pintuan ng bawat room. Maging sa unang palapag at ibang building. Mabilis na hinanap ng mata ko si Kate. Napangiti ako nang makitang papalapit na siya sa akin. She's really beautiful. I love the way she look at me with love while smiling. "Okay na?" nakangiti niyang sabi at in-intertwine ang kamay naming dalawa. "Yeah. Lalabas na siya in any seconds." Napangiti naman siya. Nalaman ni Kate ang balak ni Brian, accidentaly. Hindi namin alam na nakikinig pala siya. Nagulat na nga lang kami nang biglang lumitaw sa harap namin siya kahapon habang nag-uusap. Nag-uusap kami ni Brian nang biglang may unti-unting lumitaw sa harap naman. Nanlalaking mata na napatitig ako sa kaniya. "Pa-paanong..." nauutal na sabi ni Brian. "Suprise! I have this ability now. I can be invisible anytime I want." sarcastic na sabi ni Kate.   "Okay! Let's do this!" sabi niya at hinigpitan ang pagkahawak sa kamay ko. Unti-unting naramdaman ko na may bumalot sa akin na kapangyarihan. Napangisi ako nang lumabas si Krizzia at hindi niya kami nakita. Napatingin ako kay Kate. Ngumiti ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi saka muling bumaling kay Kate na nagtatakang napalingon-lingon sa paligid. Tumango ako kay Kate. Senyales na magpakita na kami kay Krizzia. Saktong pagkaharap ni Krizzia sa direksyon namin ay nagpakita na kami. Napaurong siya nang magsimulang lumapit sa kaniya si Kate saka itinaas ang kamay niya sa harap ni Krizzia. "Sleep, Krizzia. You'll meet him, later." sabi ni Kate kay Krizzia. Natumba si Krizzia at nawalan ng malay. Siguradong ginamitan siya ni Kate ng kapangyarihan niyang magpatulog. "Tara na. Dalhin na natin siya." sabi niya. Tumango ako bago binuhat si Krizzia. Isinakay namin siya sa kotse. Ako ang nagda-drive habang nasa likod si Kate kasama si Krizzia na wala pa ring malay. "I can't wait to see Dylan's face after he see Krizzia in his room. I know he is in love with her." rinig kong sabi ni Kate. "I know. The way he look at her is like mine. The way I look at you back then." Napatingin ako sa kaniya sa salamin. She just smile and mouthed 'I love you' to me that make my heart beats again.   Brian's POV Nandito ako ngayon sa labas ng hospital. Mahigit tatlong oras na akong naghihintay dito. Kung sa bagay, malayo itong hospital sa Blackwell. Aabutin ng oras kung maiipit ka sa traffic. Natutulog ngayon si Dylan. Napagod siguro kakasigaw na palabasin ko siya. Buti na lang at may kapangyarihan akong manipulahin ang mga tunog. Kung sa loob ng kuwarto ay sumisigaw siya at nagwawala, sa labas naman ay sobrang tahimik dahil sa kapangyarihan ko. Hindi ko na napigilang mapangisi nang tumigil sa harap ko ang kotse ni Theo. "Where's Krizzia?" tanong ko sa kaniya nang makababa siya. "Nasa loob." "Okay. Ako na ang bahala." sabi ko. Binuksan ni Theo ang pinto. Bumungad sa akin si Krizzia na sobrang himbing ang tulog. Agad kong binuhat si Krizzia. Nangunguna na si Theo at Kate sa paglalakad samantalang ako ay nakasunod sa kanila. Agad kaming pumasok sa elevator nang bumukas iyon. Napatingin ako kay Krizzia. Napaka-peaceful ng mukha niya.   Lumabas kami ng elevator at tumigil kami sa tapat ng isang pintuan. Idinikit ni Kate ang tenga niya sa pintuan. Ngumiti siya sa amin at tumango. Binuksan ni Theo ang pintuan. Bumungad agad sa amin si Dylan na natutulog. Inihiga ko si Krizzia sa couch at nilagyan ng kumot. Mabilis kaming lumabas ng kuwarto at ni-lock ulit ang pintuan. Nakangising humarap sa akin si Theo. "Ayos!" natutuwang sabi niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD