Chance

1088 Words
Krizzia's POV Mabilis akong naligo at nagbihis. I'm 30 minutes late. I think hindi na ako makakahabol sa first class ko. I woke up late and I think it's because I cried all night and tiredness. Pagkalabas ko ng kwarto, bumungad sa akin si Nanay Asuncion na naghahanda ng almusal. Nakapagdesisyon na ako. Susubukan kong makalimot at magbago. At sisimulan ko iyon kay Nanay Asuncion. "Gising ka na pala. Hinandaan kita ng almusal. Alam kong late ka na sa pasok mo pero hindi iyon rason para hindi kumain ng almusal. Huwag kang magpapalipas ng gutom. Kumain ka na." sabi niya at inilapag sa lamesa ang baso ng gatas. "M-maraming salamat po." nakayuko kong sabi at umupo. Parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Ganito ang ginagawa sa akin ni Mama tuwing papasok ako ng eskwelahan dati. Hindi niya ako hinahayaang pumasok kapag na-late ako tapos hindi ako kakain. Nakaka-miss si Mama. Napahinga na lang ako ng malalim bago nagsimulang kumain. Ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Nanay habang kumakain ako. Napatingin ako sa kaniya. "Ka-kain po tayo?" nauutal kong pag-aaya kay Nanay. "Sige lang. Kumain ka na. Tapos na akong kumain." nakangiti niyang sabi. Tumango na lang ako at kumain. Pagkatapos kong kumain, dumiretso ako sa kusina at hinugasan ang mga pinagkainan ko. Pagkatapos kong maghugas, agad kong kinuha ang bag ko at nag-paalam kay Nanay Asuncion. "Mag-iingat ka, Krizzia. Galingan mo." sabi ni Nanay Asuncion at ngumiti. Mabilis akong tumalikod para hindi makita ni Nanay Asuncion ang namumutawing ngiti sa labi ko. Tamang-tamang lang ang paglabas ko ng building dahil may dumaan na tricycle. Agad akong bumaba ng makarating sa tapat ng Jollibee. Hindi naman ako kakain. Ang totoo niyan ay dito ako bumababa tuwing papasok. Ang dahilan? Hindi daw nila alam kung saan ang Blackwell Academy. Nakakapagtaka. Kaya hanggang dito lang ako bumababa sa tapat ng Jollibee dahil hanggang dito lang ang inaabot ng mga sinasakyan kong tricycle. Lalakad ako ng apat na kalsada mula dito sa Jollibee para makarating sa Blackwell. Presko ang hangin dito dahil napapaligiran ng d**o at mga puno ang daanan. Tumakbo na lang ako para makarating agad sa Blackwell at mahabol ko pa ang second class ko. Nang makarating sa tapat ng academy, pinakita ko ang ID ko sa guwardiya para makapasok. Mabilis akong tumakbo nang makapasok ako. Nang makarating sa floor ko, nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala pa ang second subject teacher namin. Napasandal ako sa upuan nang makaupo at pinakalma ang sarili ko. Hinihingal pa rin kasi ako dahil sa kakatakbo ko. Napatingin ako sa katabi kong upuan na bakante at sa upuan na nasa likod ko. Dito sa dalawang upuan na ito umuupo si Dylan. Wala pa siya? Hindi ba siya papasok? Napailing na lang ako. Bakit ko ba iniisip ang lalakeng iyon? Napahinga na lang ako. Napataas ako ng tingin nang may tumigil na pares ng panlalakeng sapatos sa tapat ng upuan ni Dylan sa tabi ko. Nakangiti sa akin ang lalake. "Dito ba nakaupo si Dylan?" tanong niya sa akin. Kilala niya si Dylan? Tanong ko sa isip ko. Hindi ko mapigilang magtaka nang tumango siya. Napatawa siya bago magsalita. "I can tell it from your face. Yes, kilala ko si Dylan. I'm his cousin. Theodore Valerious." nakangiti niyang sabi. "Di-diyan nakaupo si Dylan." tanging sagot ko na lang at umiwas. Natapos ang second class, walang Dylan na pumasok. Napahinga na lang ako. Again, Krizzia. Bakit mo ba iniisip si Dylan? "No. Hindi ko siya iniisip." Napabuntong-hininga siya.  "Tumigil ka, Krizzia. Parang kang baliw. Kinakausap ang sarili. Kanina ka pa habang nagkaklase." bulong ko at napalingon-lingon sa paligid. Oo, bigla-bigla na lang pumapasok sa isip ko si Dylan. Hindi ko mapigilang mainis dahil natutulala ako tapos kapag nagising ako, nabura na ang sinusulat ko na lesson ko sa board. Buti na lang at naglabasan na ang lahat para kumain. Tumayo na din ako at dumiretso sa cafeteria. Pumila ako at kumuha ng pagkain pagkatapos ay dumiretso sa lagi kong puwesto. Habang kumakain, hindi ko mapigilang mapatingin sa lahat ng nandito sa cafeteria. Mayrong iba na nakangiti at nagtatawanan. Halos lahat sila may kasama habang ako ay mag-isa. Mukhang tama nga ang desisyon kong ito. Hindi ako sasaya kung patuloy kong ilalayo ang sarili ko. Hindi ako makakalimot kung wala akong hinahayaan na taong tutulong sa akin para makalimot at magbago. Napahinga na lang ako ng malalim bago sumubo ng kinuha kong spaghetti. Napaubo ako nang biglang rumehistro sa isip ko ang nakangising si Dylan. Ano ba itong nangyayari sa akin? Nakakainis ka na, Dylan. Theo's POV Hindi ko mapigilang mapangisi habang pinapanood si Krizzia na tulalang kumakain. Mukhang tama nga ang desisyon kong ito. Hindi ako sasaya kung patuloy kong ilalayo ang sarili ko. Hindi ako makakalimot kung wala akong hinahayaan na taong tutulong sa akin para makalimot at magbago. Iyan ang nabasa ko sa isip niya. So may mga issue pala siya? Ano ba itong nangyayari sa akin? Nakakainis ka na, Dylan. Mas lalo akong napangisi. She's thinking of Dylan. Wait? Tama ba ang term? Thinking or missing?  Napailing na lang ako. Hahayaan niya kaya si Dylan na pumasok sa buhay niya? Ang bagal kasing kumilos ni Dylan. Parang interesado pa naman si Brian kay Krizzia. Utusan ba naman akong bantayan si Krizzia. Pumayag ako dahil may kapalit. May gusto kasi akong bilhin pero sa ibang bansa lang siya available. Isang rare diamond necklace. Mahirap maghanap ng ibang kulay ng diamond pero ang kulay ng nakita kong diamond ay dark red. At alam kong babagay iyon kay Kate sa kaarawan niya. Nag-iisa lang iyon at milyones ang halaga. Si Brian ang bibili. Iyon ang kapalit. Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag. “Theo?” "Napatawag ka, Brian?" “Kamusta siya?” Napailing na lang ako bago sumagot. "Kumakain na siya ngayon. Tulala habang kumakain." “Anong iniisip niya?” "Hindi ano kundi sino?" nakangisi kong sabi at sumubo ng grapes. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya In love din ba 'to kay Krizzia?  “Sige. Tawag na lang ako mamaya.”  Nakangising napatitig ako sa screen ng cellphone ko habang nakarehistro pa din ang number ni Brian. "Patay tayo nito. Baka magkaroon ng triangle." nakangising bulong ko. "Baliw! Baka love triangle ang ibig mong sabihin. Tch!" Agad akong napangiti nang makita ko si Alexander na naka-business suit kasama si Cody, Kyle, at Nathan. "Yow! Nagpakita ka din sa wakas. Sineryoso mo ang kompanya, a?" sabi ko. Umupo sila sa kaharap kong upuan. Napatingin ako kay Cody na parang umiiwas sa akin nitong nakaraang mga araw. "May problema ba, Cody?" tanong ko sa kaniya. "Wa-wala." sagot niya. "Really? Huwag kang maniwala diyan, Theo. Sinungaling iyan." nakangising sabi ni Nathan sa akin. Binatukan naman siya ni Cody dahil katabi niya si Nathan. "Bakit?" nagtataka kong sabi. "I'm sorry." Nagtatakang napatingin ako kay Cody. Bakit naman siya magso-sorry? "Huh?" "Galita yata sa akin si Kate. Hindi niya ako pinapansin." sabi ni Cody na ikinabusangot ko. Seriously? "Bakit sa akin ka humihingi ng tawad? Kay Kate ka mag-sorry. Tsk!" sabi ko at tumayo.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD