Krizzia's POV
"Tara na. Ihahatid na kita sa inyo. Baka magkasakit ka pa." sabi ni Dylan at tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin.
Tinanggal niya ang suot niyang jacket at pinatong sa balikat ko. Nilagay niya ang kanan niyang kamay sa ulo ko saka kami sumugod sa ulan.
Mabilis niyang binuksan ang kotse at pinapasok ako pagkatapos ay umikot siya papunta sa kabila saka pumasok. Tamang-tama lang ang pagkapasok namin sa kotse niya dahil mas lumakas pa ang ulan.
Pinaandar na niya ang makina saka nagmaneho. Tahimik lang kaming dalawa habang bumabiyahe.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana nang magsalita siya "Bakit ba natatakot kang makipagkaibigan?"
Hindi ako nakapagsalita. Bakit nga ba? Dahil takot akong may madamay ulit. Dahil takot akong may masaktan sa bawat galaw ko.
"Huwag mo na alamin. Hindi mo magugustuhan ang sagot ko."
"Try me, Krizzia. I'll listen,"
Hindi ako ulit nagsalita. Ayokong gawin. Ayokong subukan. Prevention is better than cure, Krizzia. Don't let Dylan enter your world. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Come on, Krizzia. Everyone needs someone. Someone who's going to understand you. And I'm willing to be that someone." pangungumbinsi niya sa akin.
Napahinga na lang ako ng malalim. I don't know what to do. Okay, Krizzia. Find out first what he wants to you.
"Why, Dylan? Bakit ba masyado kang mabait sa akin? Bakit mo ba ako nilalapitan? Bakit mo ba ako kinakausap? We don't even know each other." sabi ko sa kaniya.
"Because I want to…" sagot niya.
"No, Dylan. Hindi iyan ang sagot na gusto kong marinig. I know you want something." I can feel it. He want something.
"My true answer?"
"Yes. Ang totoo." seryoso kong sabi at hinarap siya.
Agad akong napatingin sa labas nang itigil niya ang kotse. Nanlaki ang mata ko nang makita nasa tapat na kami apartment. Paano niya nalaman na dito ako nakatira?
Pagkaharap ko sa kaniya, nagulat ako nang makitang sobrang lapit na niya. Puwede na niya akong mahalikan kapag lumapit pa siya.
"Gusto mong malaman ang totoo?" tanong niya habang sobrang lapit pa rin sa akin.
Tumango ako bilang sagot. Agad akong umusog nang unti-unting lumapit siya sa akin.
"A-anong gagawin mo?" kinakabahan kong sabi at napasandal na ng tuluyan sa pinto ng kotse.
Ngumiti siya bago nagsalita. "Gusto mong malaman ang totoo so I'm sorry."
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang pisngi ko bago ako hinalikan. Hinalikan sa labi. Parang tumigil ang mundo ko. Naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ako makagalaw.
Nang makalayo siya, nginitian niya ako. "I'm sorry but I like you. Ang bilis. Para akong tinamaan ni kupido unang kita ko pa lang sayo." nakangiti niyang sabi.
Alam kong namumula na ang mukha ko ngayon. Shock pa rin ako. Hindi ko alam pero…
"Ouch! B-bakit?" nauutal niyang sabi habang hawak niya ang pisngi niyang nasampal ko.
Oo, sinampal ko siya. My heart is beating frantically.
Agad kong bumaba ng kotse at tumakbo papasok. Tumakbo ako hanggang makapasok ako sa kuwarto ko. Pumasok ako sa banyo at binasa ang mukha ko saka napatingin sa salamin.
"G-gusto niya ako?" bulong ko.
"I'm sorry but I like you. Ang bilis. Para akong tinamaan ni kupido unang kita ko pa lang sayo."
Napailing ako at binuksan ulit ang gripo saka binasa ulit ang mukha ko.
"Sinungaling. Hinding-hindi ako maniniwala sa kaniya. Lolokohin niya lang ako. Sasaktan niya lang ako. Kagaya ng ginawa niya." sabi ko sa sarili ko at nagsimulang umiyak.
Dylan's POV
Nakatingin lang ako kay Krizzia na tumatakbo hanggang sa makapasok siya sa loob.
"Baliw ka talaga, Dylan. Binigla mo na naman siya." sabi ko habang hawak pa rin ang pisngi ko.
Medyo malakas ang pagkakasampal niya sa akin. Who said that vampires like me can't feel a pain?
Napahinga na lang ako ng malalim bago pinaandar ang kotse at umalis. Habang bumabiyahe, biglang nag-flash sa isip ko ang paghalik ko sa kaniya dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko.
Napailing na lang ako at binilisan ang pagmamaneho. Agad akong nagtaka nang tapakan ko ang break ay ayaw bumagal ng kotse. Ilang beses kong tinapakan ang break pero ayaw talaga. Pagkatingin ko sa kalsada, nakita kong malapit na akong mabangga sa isang puno.
Pinatigil ko ang oras. Unti-unting bumagal ang paligid. Maging ang pagpatak ng ulan ay tumigil. Baba na sana ako nang maramdaman kong bumalik sa tama ang oras.
Huli na para makababa ako ng kotse. Sumalpok na ang kotse sa puno kasabay ng pagkauntog ko sa manibela. Agad akong nakaramdam ng hilo at p*******t ng ulo.
Napangiti na lang ako at dahan-dahang pumikit.
AGAD NA napatigil si Kate at nabitawan ang hawak niyang mga plato na babasagin nang may maramdamang kakaiba. Nabasag ang mga plato at kumalat ang mga bubog. Humahangos na lumapit sa kaniya si Theo.
"Kate! Anong nangyari?" sabi ni Theo at hinawakan siya sa balikat.
Napahawak si Kate sa kaniyang sentido kasabay ng pag-flash ng mga imahe ni Dylan na duguan habang nasa loob ng kotse.
"Si Dylan. Nabangga siya!" natatarantang sabi ni Kate.
Isa na ngayon sa mga abilidad ni Kate ang makita ang mga mangyayari sa hinaharap o kaya ay nangyari pa lamang. Dahil siya ay isang makapangyarihan na bampira, patuloy na madadagdagan ang mga abilidad niya.
"W-what?! Sigurado ka ba?" kinakabahang sabi ni Theo.
Nakaramdam ng pag-aalala si Theo sa kaniyang pinsan.
"Sigurado ako. Tara na!" sabi ni Kate at tumakbo palabas.
Naiwan si Theo sa bahay. Agad niyang tinawagan sila Georgina para humingi ng tulong. Buti na lang at kapit-bahay nila si Briela at John. Mabilis na sumunod si Theo kay Kate nang dumating sila Briela at John para maiwan sa triplets.
Sa kabilang banda...
Nahimasmasan na si Krizzia pagkatapos niyang umiyak habang nakababad sa shower. Nakasuot na siya ng maayos na damit. Hindi niya mapigilang mapabuntong-hininga nang makita ang mukha niya. Halatang galing siya sa pag-iyak.
"Krizzia?"
Agad na lumabas ng banyo si Krizzia nang marinig ang boses ni Asuncion.
"Gusto sana kitang makausap, Krizzia." nakangiting sabi ni Asuncion sa kaniya.
"Tungkol saan po?"
"Tungkol sa iyo." sabi ni Asuncion sa kaniya at hinawakan siya sa kamay.
Iginiya siya ni Asuncion paupo sa kama niya. Huminga ng malalim si Asuncion bago niya nginitian si Krizzia.
"Krizzia. Alam ko ang nangyari sa iyo limang taon na ang nakalipas. Hindi ko mapigilang mag-alala sa iyo tuwing naririnig ko ang pagluha at pagsigaw mo tuwing gabi." sabi ni Asuncion.
Hindi nagsalita si Krizzia. Gusto niyang pakinggan ang mga sasabihin nito.
"Subukan mong makalimot, Krizzia. Hindi nabubuhay ang isang tao na wala man lang kasama. Nilalayo mo ang sarili mo nang sa ganun hindi ka masaktan pero sa nangyayari sayo ngayon, kailangan mo ng taong mag-aalaga at magbabantay sayo."
Napatitig si Krizzia sa kamay niyang hawak ni Asuncion.
"Makinig ka, Krizzia. Ang mga nangyayari ngayon ay parang puso." sabi ni Asuncion at tinuro nito ang puso niya.
"Kapag pinigilan mo ang pagtibok, mamamatay ka. Ang ibig kong sabihin ay sabayan mo lang ang mga nangyayari ngayon at sa hinaharap. Walang mangyayari kung laging sirado ang puso at isip mo sa mga taong nasa paligid mo. Kung gusto mong makalimot, hayaan mo ang mga taong willing na makinig sayo. Kung patuloy mong isasarado ang sarili mo sa lahat, mag-isa kang haharapin ang lahat. "
Agad na pumasok sa isip ni Krizzia si Dylan.
"Come on, Krizzia. Everyone needs someone. Someone who's going to understand you. And I'm willing to be that someone."
"Pero ginagawa ko lang iyon para wala ng masaktan pa." sabi ni Krizzia habang nakayuko at nagsimula na namang umiyak.
"Naiintindihan kita, Krizzia. Pero hindi naman lahat ng mga tao sa paligid mo ay mapanganib, mayrong iba na malinis ang budhi. Mayrong iba na handa kang protektahan. Mayrong iba na handa kang pakinggan. Hindi kita pinipilit pero sana man lang ay subukan mo." nakangiti na sabi ni Asuncion at niyakap si Krizzia na patuloy pa ring umiiyak.