Rain

993 Words
Dylan's POV Hindi ko mapigilang kabahan habang nakatingin sa kaniya na walang ekspresyon. Siguradong nagtataka talaga siya dahil sa nasabi ko. Damn it, Dylan. Walang tigil kasi iyang bibig mo. Napailing na lang ako. Napatingin ako sa ice cream na hawak niya. Napabuntong-hininga na lang ako nang makitang tunaw na ang hawak niyang ice cream.  Ganun ba talaga kami katagal nagtitigan? Napangisi na lang ako dahil sa naisip ko. "Palitan natin iyang ice cream na hawak mo. Tunaw na, e." nakangiti kong sabi at lumapit sa ice cream stand na binilhan niya. "Hello! Sir. What flavor of ice cream?" nakangiting sabi sa akin ng nagbebenta. Humarap ako kay Krizzia na nakatalikod pa din. "Krizzia?" tawag ko sa kaniya. Humarap naman siya. Wala pa ring ekspresyon ang mukha niya. "Anong flavor?" nakangiti kong sabi. Hindi siya sumagot kaya tinignan ko na lang ang flavor ng hawak niyang ice cream. Ngumiti muna ako sa kaniya bago humarap sa nagbebenta. "Cookies and cream po. Dalawa. Isang malaki at isang medium size." sabi ko at binigay ang bayad ko. Tumalikod na siya at sinimulan na gumawa ng cookies and cream ice cream. Nakita kong may lamesa at upuan na para sa mga customer kaya hinala ko si Krizzia dun at pinaupo. "So, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya at umupo sa kaharap niyang upuan. Hindi siya sumagot at naglabas lang ng libro pagkatapos ay nagbasa. Ayos! Snob ka na naman, Dylan.  Ililibre na nga tapos ganiyan pa rin ang treatment niya sa akin? She’s so challenging.  Lumapit sa amin ang nagbebenta at nilapag sa harap namin ang isang malaki at medium size na cup na may lamang cookies and cream ice cream. "Enjoy your cookies and cream ice cream with your girlfriend, Sir." sabi niya sa amin bago tumalikod. Agad akong napatingin kay Krizzia. Wala pa rin siyang reaction. No reaction talaga. Tch! Kukunin na niya sana ang medium size nang unahan ko siya. Nagtatakang tumingin siya sa akin. "Itong malaki ang sayo. Enjoy your ice cream, my girlfriend." nang-aasar kong sabi. Masamang tingin lang ang ipinukol niya sa akin. "Manahimik ka." seryoso niyang sabi bago sumubo ng ice cream. Napangiti na lang ako at sumubo din ng ice cream. "Totoo naman, a? Girlfriend kita. Babaeng kaibigan." Napatigil siya at napatulala. Mga ilang sandali bago siya tumingin sa akin. Nanlilisik ang kaniyang mga mata habang nakatingin. Sinimulan na naman akong kabahan. May nasabi ba akong mali? "Tumigil ka na. Kung ano mang balak mo, itigil mo na. Hindi ko kailangan ng kaibigan." nanggagalaiti niyang sabi bago tumayo at umalis.   Napatulala ako dahil sa nangyari. Ramdam ko ang galit at takot na nararamdaman niya habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Ganun ba talaga niya kaayaw ang magkaroon ulit ng kaibigan? Ganun ba talaga katindi ang naging epekto ng insidenteng iyon sa kaniya limang taon na ang nakalipas para mag-react siya ng ganun?  Napabuntong-hininga ako. It’s not easy for her to be open again. Naiinis na napasabunot ako sa buhok ko. "Bahala na. Hindi ako titigil. Ginagawa ko naman 'to para sa kaniya, e.” Naglakad na ako paalis sa park. Napatigil ako nang may maramdaman ako. Napatingin ako sa langit kasabay ng pagpatak ng ulan sa pisngi ko. "f**k! Nasaan na siya?" sabi ko at napatakbo sa kotse.   Krizzia's POV "Ouch! Damn! Watch where you are going, b***h!" galit na sabi sa akin ng babae nang mabangga ko siya. Nag-sorry na lang ako at tinuloy ang paglakad ko habang basang-basa na ako sa ulan. Agad akong napatigil nang kumulog ng pagkalakas-lakas. Luminga-linga ako para maghanap ng masisilungan. Tumakbo ako papunta sa isang waiting shed na nakita ko. Napabuntong-hininga na lang ako nang maramdaman ko na nababasa pa rin ako. Tumingin ako sa itaas at do’n ko nakita na may mga butas ang bubong ng waiting shed. Agad akong nakaramdam ng kaba ng may maalala ako. Deja vu. Nangyari na ito dati. Mabilis akong napaatras nang may narinig akong isang kotse na halatang mabilis ang pagpapatakbo dahil sa rinig ko ang pag-screech ng gulong nito. Isang kotse ang lumiko at papunta sa direksyon ko. Agad akong nakaramdam ng takot at napahawak sa ulo ko. Mamamatay na ba ako? Narinig ko ang pagtigil ng kotse sa harapan ko kasabay ng pagsigaw ng isang lalake. Si Dylan. "Krizzia!" Nanginginig na napatingin ako sa lalake. Mabilis siyang bumaba ng kotse at lumapit sa akin. Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Kinabig niya ako sa bewang ko saka ako niyakap ng mahigpit. Parang tumigil ang mundo ko habang yakap-yakap niya ako. Parang hindi ko naririnig ang pag-ulan at ang tanging naririnig ko lang ay ang paglakas ng t***k ng puso ko. "Damn! Krizzia. Don't go away again like you did earlier. It's raining and you're freezing to death. You made me worried sick." nag-aalala niyang sabi. Naramdaman ko ang mas lalong paghigpit ng yakap niya sa akin. Why is he doing this? Hindi niya ako kilala. Ni hindi ko matandaan kung nagkita na din ba kami dati. Pero bakit ganito? Bakit ang lakas ng t***k ng puso ko? Bakit feeling ko ay safe ako sa kaniya? Bakit ang gaan ng pakiramdam ko habang yakap-yakap niya ako? This isn’t right but for the first time again, I yearn for this kind of feeling. NANGHIHINA na napaluhod ang babae habang naluluhang nakatingin sa tatlong lapida na nasa harap niya. Halo-halo ang nararamdaman niya. Poot, galit, at lungkot. Humigpit ang paghawak niya sa d**o at nilabas ang nararamdaman niyang galit. Sumigaw siya nang pagkalakas-lakas kasabay ng pagkulog at kidlat. Wala siyang pakialam kahit basang-basang na siya sa ulan. Gusto niyang mailabas ang nararamdaman niyang galit. Napabuntong-hininga ang kasama niyang lalake. Lumapit ito sa kaniya at pinayungan siya. "You know? Walang magagawa ang pagsisisigaw mo diyan. Baka magising ang mga patay dahil sa sigaw mo." kalmadong sabi ng lalake kahit gustong-gusto na nitong ngumisi. Rinig niya ang paghagulgol ng babae habang nakaluhod sa harap ng isang lapida. "Igaganti kita, mahal ko. Ipaghihiganti kita." may poot na sabi ng babae saka muling humagulgol. Napangisi ang lalake dahil sa narinig niyang sinabi ng babae. Great. Umaayon ang lahat sa plano ko. Malakas kayo pero alam kong may kahinaan kayo. Paparating na ang kamatayan sa pamilya niyo. Mas lalong napangisi ang lalake bago tinulungan ang babae na tumayo sa pagkakaluhod nito. Hindi niya hahayaang magkasakit ang babae. May plano siya at tanging ang babae lang na umiiyak ngayon sa mga braso niya ang makakatulong sa kaniya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD