Dallas Valerious

1204 Words
Dylan's POV Kasalukuyan akong naglalakad pauwi. Habang naglalakad, hindi ko mapigilang mapaisip. Ano kayang ginagawa niya do’n? Kung tanungin ko kaya siya? Napahinga na lang ako ng malalim. Nang makarating sa mansion, agad akong dumiretso sa kuwarto ko at humilata. Tahimik na ngayon dito sa mansion. Lumipat na kasi sila Kate at Theo. Sila Cody, Nathan, Kyle at Brian naman ay madalang na lang pumunta dito samantalang si Alexander ay busy sa trabaho niya. Agad kong kinuha ang cellphone ko nang makita kong umilaw iyon.   [1 message received] From Butler Young master, gusto po kayong makausap ng ama mo. Napakunot ako ng noo. Nakakapagtaka naman. Bakit naman akong gustong kausapin ni Daddy? Agad akong nag-reply. Well, may kailangan din naman akong malaman. To Butler Okay, I'll be there.   Mabilis akong tumayo at nag-shower. Pagkatapos ay nagbihis ako. Pinili kong suotin ang v-neck shirt ko at ripped jeans. Agad kong kinuha ang cellphone ko at car key saka dumaan sa terrace. Madalas ay sa terrace na lang ako dumadaan at tatalon mula sa 2nd floor ng kuwarto ko. Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko. Isang taon na rin ang lumipas nang makabisita ako sa tunay kong bahay. Bumukod ako kay Daddy simula nang mamatay si Mommy noong may digmaan sa pagitan nang Hearthstone, Vrey, at sa aming mga Valerious. Isang mandirigma si Daddy. Kapag nakita mo siya, akala mo ay seryoso siya pero ang totoo ay tuso si Daddy. Magaling siyang makipaglaro at may ugali din siyang manipulative. Minsan nga ay napaisip ako na baka hindi ako ang anak ni Daddy at baka si Georgina ang totoo niyang anak. Parehong manipulative. Nang nasa tapat na akong mansion ni Daddy, nakita kong nakaabang dun si Butler. Bumaba ako at hinagis sa kaniya ang susi ng kotse ko. Siya na ang bahala na mag-park ng kotse ko. "Nasaan si Daddy?" Napatingin sa akin ang tatlong maid. Lumapit silang tatlo sa akin at yumuko para magbigay-galang. "Nasa library po, Young master," sagot ng nasa gitnang babae. Napailing na lang ako. Hindi pa rin ako sanay sa treatment nila sa akin. Sa totoo lang ay ayaw kong tinuturing akong prinsepe. Ang awkward lang. I don’t like the royalty treatment. Agad akong naglakad papunta sa library. Habang naglalakad, hindi ko mapigilang pagmasdan ang paligid. Wala pa ring nagbago. This place is still the same just like when I left. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng library, kumatok muna ako bago pumasok. Bumungad sa akin si Dad na nakaupo sa sofa habang may hawak na libro at may suot na salamin. Nag-angat siya ng tingin. "Dylan, my son." nakangiti niyang sabi. Sinarado niya ang hawak niyang libro bago tumayo at sinalubong ako ng yakap. "I miss you, Dylan. 1 year have passed. Ni hindi mo man lang ako dinalaw." parang nagtatampo niyang sabi. "Bakit gusto mo akong makausap, Dad? Importante po ba ang sasabihin niyo?" Napailing siya at ngumisi pagkatapos ay tinanggal ang suot niyang salamin. "Hindi mo ba ako na-miss?" tanong niya. "Gusto mo bang sagutin ko ang tanong mo, Dad?" seryoso kong sabi. "Sige. Huwag na lang," nakangisi niyang sabi at bumalik sa sofa saka umupo. "Stay away from her."  "W-what? Sinong lalayuan ko?" It's a she. So babae ang lalayuan ko? Kate? No, walang problema sa kaniya si Dad. Briela? No, Dad didn't know nor have seen her. Could it be.....Krizzia?  "The girl you have been following since she entered the academy."  What the hell? So it's really Krizzia? Napailing ako. "Why?" naguguluhan kong tanong. Nakangiti na bumaling siya sa akin. "Just that she's no good for you, Dylan." Just when did he have the right to tell me who’s good for me? "What?! Paano mo 'yan nasasabi, Dad? You're the one who---" agad kong pinutol ang sasabihin ko nang malaman ko kung ano ang lalabas sa bibig ko. "Well? I'm the what?" sabi niya at tumayo. I think he knows what I'm going to say. Seryosong tumingin ako sa kaniya. "Dad? Five years ago, where province did you go?" Yes, he's my Dad. Dallas Valerious. The one who save Krizzia from Tedeo. "Dumaguete. Why?" "Dad, ang sinasabi mo na dapat kong layuan na babae ang iniligtas mo five years ago." naiinis kong sabi. "Is that so? Then, she is really not good for you, Dylan. Stay away from her." kalmado niyang sabi. "What?! You can't do this, Dad." "Well, try me." nakangisi niyang sabi. "But why?!" "Because I said so." sabi niya at lumabas ng library. Argh! Ang gulo niya! Kung hindi ko siya susundin, gagawa siya ng ikakapahamak ni Krizzia. Seriously, hindi ko alam kung ano problema ni Dad kay Krizzia. He saved her and now he wanted me to stay away from her. Nagmamadaling lumabas ako ng mansion. Ayaw kong magtagal sa loob. Baka ano pa ang magawa ko sa Daddy kong baliw. Ang totoo niyan, galit ako kay Dad. Siya ang dahilan kung bakit namatay si Mommy. The day na nakikipaglaban siya, iniwan niya kami ni Mommy. Hindi namin alam na papasukin ang bahay namin ng mga alipin ng Hearthstone. Pinagtanggol ako ni Mommy. Lumaban siya ng buong tapang at lakas kahit na buntis siya. Pero malupit talaga ang tadhana sa akin, namatay si Mommy dahil sinasaksak siya sa likod ng espada at tumagos iyon sa tiyan niya. Nawalan ako ng ina, at ng kapatid. Nang makarating si Daddy, huli na ang lahat. Tulala ako noon habang pinagmamasdan ang dumadaloy at kumakalat na dugo ni Mommy habang nasa basement ako at nakasilip sa kaniya. Hindi ko napansin na may tumutulo na ang luha ko. Mabilis na umalis ako lugar na iyon at nagmaneho hanggang sa tumigil ako sa tapat ng park. Ang park kung saan nakita ko ang babaeng may-ari ng paruparo na clip na nasa akin ngayon. Hindi ako bumaba ng kotse ko. Nakatingin lang ako sa entrance ng park ng may mahagip ang mata ko. Si Krizzia. Magaling na siya? Agad kong tinanggal ang seatbelt ko at bubuksan na sana ang pintuan nang marinig ko ang boses ni Dad. "Stay away from her." Fuck this. Bahala ka sa buhay mo, Dad. You can't control me. I'll do what I f*****g want. Mabilis akong lumabas ng kotse at tumawid. Nang nasa tapat na ako ng park, nakita ko siya. Nakatalikod sa direksyon ko si Krizzia habang bumibili ng ice cream. What the?! Ice cream ng maaga? Lumapit ako sa kaniya hanggang nasa likod na niya ako. Pagkaharap niya sa akin, agad siyang napatigil. Tumingala siya para matignan ang mukha ko hanggang sa magtama ang mata naming dalawa na dahilan na naman para tumibok ng mabilis ang puso ko. Wait? Normal pa ba ito, Dylan? Tanong ko sa sarili ko. Napailing na lang ako at ngumiti sa kaniya. "Hi? Magaling ka na ba?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot. Nakatingin lang talaga siya sa akin. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Ano kayang iniisip niya?  Just this once, Dylan. Read her mind.  Napabuntong-hininga na lang ako bago binasa ang isip niya. Paano niya nalaman na may sakit ako? Tanong ni Krizzia sa isip niya na nabasa ko. Patay ako kay Lola Asuncion! "May gusto sana akong ipagawa sayo, Dylan." sabi ni Lola Asuncion. Lola Asuncion na lang daw ang itawag ko sa kaniya. "A-ano po iyon?" nauutal kong sabi. "Gusto ko sana na habang kaklase mo si Krizzia. Bantayan mo siya. Pagkatapos din nito, umakto ka sa harap niya na parang walang alam. Siguradong magtataka siya kung paano mo nalaman ang nangyari sa kaniya kagabi." Tumango ako bilang sagot.   Okay. Masyadong magulo na ang nangyayari. First, Dad wants me to stay away from Krizzia. Kung paano niya nalaman? Of course, Dad have eyes everywhere. Second, Lola Asuncion wants me to guard and follow Krizzia. Third, paano ko ba i-explain sa kaniya? Damn! Ang gulo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD