THE TRADING Dylan's POV "Sigurado ka ba na dito lang siya maaaring magpakita?" Seryosong tanong ni Brian habang naglalakad kami sa corridor sa ikalawang palapag dito sa Blackwell. Tumango ako. "Oo. Ito lang ang alam niyang lugar. Sasabihin ko na lang sayo ang lahat ng rason kapag natapos ang lahat." Hindi na nagsalita pa si Brian at sinabayan na lang ako sa paglalakad. Hindi muna kami nagpapasok ng mga estudyante. Nagbigay kami ng rason kahit na alam naman namin na may ibang estudyante sa Blackwell ang nakakapansin kung ano ang totoong nangyayari. Pero mas mabuti na ang ganito. Na walang makaalam ng totoong nangyayari. Ayaw ko na may madamay pa lalo na sa mga mortal na pumapasok dito sa Blackwell. Ayaw ko na maulit pa ang mga nangyari noon. Hindi deserve ng dating Krizzia ang itatak