Dylan's POV Nandito ako ngayon sa rooftop ng mansion. Nakaupo ako sa railings at tahimik na pinapakiramdaman ang paligid. Kahit na gabi na ay hindi ako nakakaramdam ng antok. Kasalukuyan pa rin kasing gumugulo sa isipan ko ang lahat ng nalaman ko. "Ano 'to?" Tanong ko sa malaking bagay na 'to na inilapag niya sa kama ko. "Isa 'yang journal na sigurado akong ikakagulat mo kung kanino galing." Nakalagay dito ang lahat ng gusto mong malaman na alam kong makakapagbigay sayo ng estratehiya para mabawi ang pinakamamahal mo." Sagot niya. Pagkabukas ko ng libro, biglang nagsalita si Jesha. "Mariposa de la Muerte Historia o The Black Butterfly's History." Hindi na lang ako nagsalita at tinignan ang nilalaman ng journal na 'to. Ang mga nakalagay dito ay sobrang luma na dyaryo na halos magkul