Dylan's POV "Kung ganoon, may nalalaman ka ba tungkol sa nangyayari kay Kate Valerious?" Tanong ni Cody kay Jesha. Tumango si Jesha. "Oo. Nagwangis si Sally bilang si Kate para siya ang mapagbintangan." Napayukom ako ng kamao. All this time, galit at iniiwasan ko si Kate. Ang bestfriend kong sinisi ko kahit wala naman talaga siyang nagawa at nadamay lang. "Bakit?" Sabi ni Cody bago sumimsim ng tsa. "Dahil sa masyadong mahirap kalabanin si Kate at Theo, humanap sila ng butas sa inyong pito. At ikaw, Dylan. Ang butas na iyon. Nakita nilang may kahinaan ka." Seryoso niyang sabi. "Gaano ka kasigurado sa mga sinasabi mo?" Tanong ko. "Dahil pinapanood ko sa balintataw ko ang lahat ng galaw ng kapatid ko." Sagot niya. "Mayroon bang lunas para matanggal ang spell na ginamit ng kapatid mo k