Dylan's POV Kate is right. Hindi ko dapat itapon ang isang bagay na alam kong naging pinakamagandang regalo sa akin. I must keep the most beautiful thing happen to my life. Hindi ko dapat balewalain ang mga oras na pinalipas ko na ngayon ay alaala na lang kasama ang pinakamagandang babaeng nakasama ko kahit saglit lang. Dapat ang ginagawa ko ay bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Krizzia at Nanay Asuncion. "I promise, Krizzia. Hindi ko kakalimutan ang lahat ng alaala ko na kasama ka." Sabi ko habang nakatingin sa clip na pag-aari niya. Kinuha ko ang cellphone ko nang maramdaman kong nag-vibrate ito sa bulsa ko. Agad kong sinagot ang tawag ni Cody nang makita ang pangalan niya sa screen. "Bakit?" Tanong ko. "Kate is not the killer. Uunahin na kita. For f*****g pete's sake, pumunta k