Krizzia's POV Sabado ngayon. Wala kaming homeworks kaya malaya akong tumambay dito sa terrace at magbasa ng libro. Kahit nagbabasa ako ng libro, wala ang atensyon ko dito. Nag-aalala ako kay Lola Esther dahil sinubukan ko siyang tawagan kanina sa telepono pero hindi niya sinasagot. Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang marinig na may kumatok doon. Si Nanay Asuncion na siguro 'to dahil maaga siyang namalengke kanina para sa pagkain ko ngayong buong araw. Aalis kasi si Nanay Asuncion ngayon para dumalo sa isang seminar. Pagkabukas ko ng pinto, napakunot-noo ako nang makitang walang tao. Pumunta ako ng sala. Nakabukas ang pinto na sinarado ko kanina. Pagkalingon ko, nagulat ako nang makita si Kate na nakaupo sa rocking chair ni Nanay Asuncion. "Paano ka nakapunta dito?" Nagtatakang s