Too late

1289 Words

Dylan's POV Nang maiparada ko ang kotse ko, mabilis akong bumaba at tumanaw sa taas. Kinabahan ako nang tanging pagtulo lang tubig ang naririnig ko mula doon. Mabilis akong pumasok sa apartment at tumakbo. Nang makarating ako sa pinakataas kung saan nakatira si Krizzia, tumingin muna ako sa paligid. Nakikiramdam kung may nangyari. Napatigil ako ng dumako ang paningin ko sa pader kung saan tumagos ang dulo ng isang kris. Lumakas ang t***k ng puso ko nang makita ang mga basag na bintana. Nanigas ako nang makita ang dugong umaagos papalabas ng pinto. Nanginginig na lumapit ako sa pinto at binuksan ito. Sumalubong sa akin ang hangin na may kasamang amoy ng dugo. Nang sundan ko nang tingin kung saan nanggaling ang dugo, nanginginig na lumapit ako sa kaniya. "Krizzia?" tawag ko sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD