Krizzia's POV
Kasalukuyan akong nasa klase ngayon. Simula kahapon, lagi akong kinukulit ni Dylan. Kagaya na lang ngayon.
"Pst!"
Hindi ko siya tinignan. Pinagpatuloy ko lang ang pagsusulat ko habang sinusulat ni Professor ang lesson namin ngayon sa board.
"Pst!"
Sa pangalawa niyang pagtawag sa akin, hindi na lang basta tawag ang ginawa niya. Binato na niya ako ng papel na ikinainis ko.
Don't mind him, Krizzia. Focus. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Krizzia! Pst!"
Naramdaman ko ang pagbato niya ulit sa akin ng papel. Hindi ko na lang pinansin ulit at itinuon ang atensyon ko sa pagsusulat.
Agad akong napataas ng tingin nang tinawag ni Dylan si Professor.
"Sir?" rinig kong sabi niya mula sa likod.
"Yes, Mr. Valerious?" nagtatakang sabi ni Professor
"I wanna sit beside Ms. Ramirez." sabi ni Dylan na ikinakaba ko.
Ano ba talagang problema ng lalakeng 'to? Ang kulit! Napatingin ako sa kamay ko na nanginginig habang hawak ang ballpen. Nanginginig sa sobrang inis at kaba.
"What?" naguguluhang sabi ni Professor.
"I wanna sit beside Ms. Ramirez. Can I?"
Lumingon ako kay Dylan at binigyan siya ng masamang tingin. Tinaas niya lang ang dalawa niyang kamay at nag-peace sign sa akin nang mahuli niya ako na nakatingin sa kaniya.
"Y-yes. You can," nakakunot noo na sabi ni Professor bago humarap ulit sa board.
Napakuyom ako ng kamay. Lumingon ako kay Dylan na dala ang bag niya papunta sa seat na katabi ko. Pagkaupo niya, tumingin siya sa akin at ngumiti
"Hi?" nakangiti niyang sabi.
Hindi ko alam pero naramdaman kong tumibok ang puso ko. At hindi maganda 'yon.
Bumuntong-hininga na lang ako at itinuon ulit ang atensyon ko sa pagsusulat.
"Krizzia?"
Naramdaman ko ang pagsundot niya sa braso ko. Hindi ako mapakali kaya inusog ko palayo unti sa kaniya ang upuan ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo siya at binuhat palapit sa akin ang upuan niya. Umupo siya at tumingin sa akin saka ngumiti.
"Hi! Krizzia babe."
Dahil sa sinabi niya, naramdaman kong mas lalong tumibok ang puso ko ng mabilis.
Omygod! Krizzia. This is bad. Really really bad. Control your heart, please! Sabi ko sa isip ko. Inhale, exhale. Breath, Krizzia. Breath.
NATAPOS KO ang buong klase na kinukulit ako ni Dylan. Sa buong oras ng klase, hindi ko siya pinansin. Binibigyan ko lang siya ng masamang tingin kapag napupuno ako sa pangangalabit at sundot niya sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako at umiling. Kasalukuyang akong papunta ngayon sa cafeteria para kumain. Ayaw ko sanang pumunta ng cafeteria dahil alam kong nando’n si Dylan pero gutom na gutom na talaga ako kaya tumuloy na lang ako.
Pagkabukas ko ng pintuan, napatingin sa akin ang lahat ng estudyante. Base sa mga tingin nila, para silang nagtataka. At hindi ko alam kung bakit.
Habang papunta sa pinakapaborito ko na table, natanaw ko si Dylan na nakaupo kaharap ang isang piano.
Nagtatakang tumingon ako sa isang lalake na bigla na lang lumitaw sa tabi ko.
"Ihahatid kita sa table mo." nakangiti niyang sabi.
Naiilang na umatras ako nang lumapit siya sa akin at bumulong.
"And you can't say no, Krizzia."
Hindi ko man gusto ay napatango ako. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami kay Dylan. Tumingin sa akin si Dylan at tumayo. Hinarap niya ang lalake at ngumiti.
"Thanks, Alexander." sabi ni Dylan.
"Your welcome, Dylan. Good luck." sabi ng lalake at tumalikod paalis.
Iginiya ako ni Dylan paupo sa harap ng piano saka siya tumabi sa akin at tumugtog ulit.
Ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko habang pinapanood si Dylan na tumutugtog habang nakangiti. Panaka-naka ang tingin niya sa akin sabay ngingiti.
Nang matapos siyang tumugtog, humarap siya sa akin at ngumiti.
"Krizzia." nakangiti niyang sabi.
"H-huh?"
"Can I court you?"
Parang umurong ang dila ko at hindi makapagsalita dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Dahil hindi ko alam kung anong gagawin, ginawa ko ang tanging alam ko na paraan para hindi sagutin ang sinabi niya. Ang tumayo at tumakbo paalis sa lugar na iyon.
Dylan's POV
Hindi ko mapigilang mapatawa nang makitang tumayo siya at tumakbo palabas ng cafeteria. Sumulpot sa tabi ko si Kate at binatukan ako.
"Walang hiya ka talagang lalake ka! Ang hina mo naman. Binigla mo si Krizzia," natatawa niyang sabi.
Napabusangot naman ako habang hinihimas ang ulo kong binatukan ni Kate.
"Hindi kita maintindihan." nakabusangot kong sabi.
Napanganga naman si Kate na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko habang si Theo ay napangiti.
"Ibig sabihin ng asawa ko, binigla mo si Krizzia sa tanong mo. Kakakilala niya lang sayo pero liligawan mo agad." paliwanag ni Theo at inakbayan ang asawa niya.
Hindi ko mapigilang mapailing dahil sa sinabi niya. Na-misunderstand nila ang lahat.
"Nagkakamali kayo. Hindi ko literal na nililigawan si Krizzia. Nililigawan ko siya para maging kaibigan. Ito dapat ang susunod kong sasabihin ko, e. I'm courting you to be my friend. Kaso ano? Ayun siya, tumakbo." paliwanag ko.
This time, si Theo naman ang napanganga dahil sa paliwanag ko. Napangisi naman Kate.
"Kailan pa nagkaroon na liligawan ang isang tao para maging kaibigan?" nakangising sabi ni Kate.
"Ngayon lang." sagot ko na ikinatawa ni Kate.
"Malala ka na, Dylan." natatawang sabi ni Kate.
"Well, we don't know what's Dylan thinking. Malala na nga siya. Kailangan na ba nating ilayo ang triplets sa kaniya, My love?" tanong ni Theo at hinila si Kate palapit sa kaniya.
"Ang mean mo, Theo. Tsk! Hindi ako baliw." nakanguso kong sabi.
"Hindi nga?" natatawang sabi ni Kate.
"Tsk! Diyan na nga kayo." Iniwan ko na sila. Nagsisimula na naman kasi sila maglampungan sa harap ko, e.
Nakasalubong ko si Brian. Napatigil ako nang tawagin niya ako. Seryosong lumingon ako sa kaniya. Nakangisi lang siya habang nakatingin sa akin.
"Nice try, Dylan." sabi niya at inilabas ang cellphone niya.
May ipinakita siya sa akin sa phone niya. Calendar. May naka-mark dun na red at hindi ko mapigilang mainis nang mabasa iyon.
Krizzia Ramirez Is Going To Be Mine.
Tinapik-tapik niya ang balikat ko at pinalitan ng ngiti ang ngisi niya.
"Pag-igihan mo," nakangiti niyang sabi na para bang inaasar ako bago tumalikod at umaalis.
Hindi ko alam pero parang gusto kong magwala. Sinuntok ko na lang ang pader na nasa tabi ko. Nagkaroon ng butas 'yon dahil sa malakas na pagsuntok ko.
Inis na dumiretso ako sa rooftop para kumalma.
Look what you have done to me, Krizzia. Why do I feel jealous?
GULAT at takot na napaurong si Krizzia sa pader nang makita niyang nabutas iyon. Binundol ng kaba at takot ang buong pagkatao niya.
Sa isang bakanteng room malapit sa cafeteria ang pinasok niya para taguan si Dylan dahil alam niyang susundan siya nito.
Unti-unting bumabalik sa alaala niya ng nangyari limang taon na ang nakalipas. Hindi niya mapigilang mapaluha habang tinatakpan ang tenga niya dahil sa naririnig na mga sigaw.
"Please, tigilan niyo na ako." naiiyak niyang bulong sa sarili.