Pissed

966 Words
PISSED Agad na napatigil sa pagpapasok ng room si Dylan nang makitang wala pa si Krizzia sa seat nito. "Nasaan na siya?" bulong niya sa sarili. Napatingin siya kay Kate na naka-headset lang habang prenteng nakaupo. Lumapit siya kay Kate para magtanong kung pumasok na ba si Krizzia pero natigilan siya nang sinagot na ni Kate ang katanungan niya. "Yup! Hindi pa siya pumasok," nakapikit na sabi ni Kate habang nakikinig ng pinapatugtog nito. Napabuntong-hininga na lang si Dylan at umupo sa totoo niyang seat. Nabigla ko talaga yata siya, I think. Sabi ni Dylan sa kaniyang isip at napailing. Napasandal siya sa kaniyang upuan at inilabas ang kaniyang cellphone upang tignan ang oras. "8am na pero wala pa rin siya," bulong niya sa sarili at tinatamad na pinasok ang kaniyang cellphone sa kaniya bulsa. Usually, bago mag-alas otso ay nasa room na Krizzia at natutulog kaya nagtataka si Dylan kung bakit hindi pumasok ng maaga si Krizzia. Ano na kayang nangyari sa kaniya? Nasaan na kaya siya? Nag-aalala niyang sabi sa kaniyang isip. Panay ang tingin niya sa pintuan para tignan kung dumating na si Krizzia. Biglang nakaramdam ng inis si Dylan nang makitang pumasok ng kanilang room si Brian. "Okay ka lang?" sabi ni Kate na bigla na lang sumulpot sa tabi niya. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Oo." "Talaga? Bakit yupi na yung desk mo?" sabi ni Kate na nakapagpagising sa kaniya. Agad siyang napatingin sa desk niya. Tama nga si Kate, yupi na ang bandang dulo ng desk niya. "A-anong nangyari dito?" nagtatakang sabi ni Dylan. "S-sure kang hindi mo alam?" gulat na sabi ni Kate. Umiling si Dylan bilang sagot. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Kate. "Hawak mo ng mahigpit 'yang desk mo. Parang kang galit o… nagseselos?" Binigyan na lang ni Dylan ng masamang tingin si Kate na nakangiti sa kaniya at bumaling kay Brian. Prenteng nakaupo si Brian sa tabing seat ni... Krizzia. Hindi napansin ni Dylan ang pagyukom ng kamay niya kasabay ng pagngisi ni Kate sa kaniya.   NATAPOS ang unang klase ni Dylan, wala pa ring Krizzia na pumasok. Sa buong klase, hindi mapakali si Dylan. Wala sa kanilang lesson ang kaniyang atensyon. Kaya isang beses ay nasabihan siya sa kaniyang unang klase. Iyon nga lang, masasabihan yata ulit siya. "Mr. Valerious?" seryosong tawag sa kaniya ni Professor Basil. Kilala si Professor Basil sa kanila bilang terror kaya ang buong klase ay behave, maliban sa kaniya na hindi makapali at lutang. "Yes, Sir?" sabi ni Dylan. Nakaramdam ng kaba si Dylan dahil sa paraan ng tingin sa kaniya ni Professor Basil. "What is the Old English, Anglo-French, Late Latin, Greek word of Angel?" tanong ni Professor Basil sa kaniya. Buti na lang at nag-review siya kagabi kaya tumayo siya at sinagot ang tanong ni Professor Basil sa kaniya. "Old English of Angel is engel. The Anglo-French is  angele. The Late Latin is angelus and the Greek is angelos." sagot niya. Napatango-tango naman si Professor Basil. "Define celestial hierarchy?" bagong tanong ni Professor Basil sa kaniya. Agad siyang napalunok. God! Recitation ba namin ngayon? s**t naman ,o! Inis na sabi ni Dylan sa kaniyang sarili. "A t-traditional hierarchy of angels ranked from lowest to highest. "And the nine orders?" dagdag tanong ni Professor Basil. Hindi mapigilang mapamura ni Dylan sa sarili. Parang gusto kasi siyang pahiyain ni Professor Basil. Halos lahat ng atensyon ng estudyante ay nasa kaniya. Parang gustong sugurin ni Dylan si Brian at pagsusuntukin nang makita niya itong nakangisi sa kaniya na para bang natutuwa sa nangyayari sa kaniya. "T-the nine orders are  angels, archangels, principalities, powers, virtues, dominions, thrones, cherubim, and seraphim." kinakabahan niyang sagot. "Okay, last. The Middle English, Late Latin  and Greek word of Demon?" Parang binuhusan ng kumukulong tubig si Dylan at hindi makagalaw. Bakit? Dahil sa hindi na niya alam ang sagot. "Well?" sabi ni Professor Basil. Fuck! s**t! Mura ni Dylan sa kaniyang isip. "I'm sorry, Sir. I d-don't know the answer," sagot niya at yumuko. "What? You don't know the answer. Excuse me, Mr. Valerious pero ilang araw ko iyan itinuro sa inyo. Pina-copy ko din 'yan sa inyo. Today is our recitation and I notice na wala ka sa sarili. May I know now your excuse or for other term ay palusot?" masungit na sabi ni Professor Basil. Lahat sila ay napatingin kay Brian nang magtaas ito ng kamay. "Pasensya na po at ganiyan ngayon si Dylan. May nangyari po kasi kagabi sa meeting council." sabi ni Brian. Agad na napakunot ng noo si Dylan sa sinabi ni Brian. Wala namang meeting ang council kagabi. Anong pinagsasabi nito?  Nakita ni Dylan ang pagbuntong-hininga ni Professor Basil bago bumaling sa kaniya. "Okay. You may now take your seat, Mr. Valerious." Nang makaupo si Dylan, binigyan niya ng masamang tingin si Brian. Nagpalitan sila ng sagot sa kanilang isip. "What? Can't you say thank you? Wait, I want you to say it in korean." nakangising sabi sa kaniya ni Brian. Dahil likas na mabait si Dylan. Insert the sarcasm. Nag-thank you siya. "Xiexie." Napabusangot naman si Brian. "That's chinese, dimwit!" nakabusangot na sabi ni Brian. "Tsk! Kamsahamnida." sabi ni Dylan kasabay ng pagtaas niya ng middle finger at ipinakita iyon kay Brian. Tapos na ang buong klase. Pagkalabas ng lahat, agad na sinugod ni Dylan si Brian. Kwinelyuhan niya si Brian at isinandal sa pader. Napatingin na sa kanila ang ilang mga estudyante pero wala siyang pakialam. Nakangisi sa kaniya si Brian kaya mas lalo siyang nainis. "Ako ba sinusubukan mo, Brian?" asar na sabi ni Dylan. Tumawa muna si Brian bago siya sinagot. "Ano ba sa tingin mo?” nakangising sagot nito. Hindi na napigilan ni Dylan ang sarili. Sinuntok na niya si Brian dahilan para mpasalampak ito. Tang-ina nito ni Dylan. Nakakadalawa na 'tong gago na ito sa akin. Inis na sabi ni Brian sa kaniyang isip habang nakatingin kay Dylan. Inis na pinunasan ni Brian ang dugong dumadaloy mula sa labi niya. "Gago ka, Brian. Alam mo? Kanina pa ako nagtitimpi sayo, e! Ano bang problema mo?!" galit na sabi ni Dylan sa kaniya. Napangisi na lang si Brian at tumayo. Pinagpag niya ang kaniyang pantalon bago lumapit kay Dylan at hinarap ito. "Wala lang. Trip ko lang. Just want to remind you that after 7 weeks, Krizzia is going to be mine." nakangising sabi ni Brian sa kaniya bago tumalikod at umalis. Dahil sa inis, galit at selos, sinipa niya ang trash can na malapit sa kaniya. Am I jealous? Fuck! Okay! I admit. I'm jealous, goddamn it! Where the hell are you, Krizzia?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD