Kinabukasan....
Dylan's POV
Nagtatakang napatingin ako kay Theo na nakatitig sa akin habang nakaupo sa couch dito. Nasa sala kami.
"Bakit?" takang kong tanong.
"Hindi ka nakatulog ng maayos kagabi, ano?" tanong niya habang nakakunot-noo pa rin.
Agad akong napatigil sa sinabi niya. Well, tama naman kasi ang sinabi niya. Hindi talaga ako nakatulog kagabi. That woman never leave my mind, after finally seeing her face.
"Bakit? Ano bang itsura ko?" tanong ko sa kaniya.
"Malala ka na, Dylan. Kakakita mo pa lang siya kahapon, e." sabi niya at umiling-iling.
"Huwag mo na lang akong pansinin. Ako na ang bahala," natatawa kong sabi.
"Bakit? Ano namang gagawin mo?" tanong niya sa naghahamong tono.
"Sa akin na lang 'yon." nakangisi kong sabi.
"Hindi maganda ang kutob ko sa ngisi mong 'yan, Dylan. Walang maidudulot na maganda ang pagiging curious at gagawin mong hakbang sa kaniya kaya ingat, ha?" seryoso niyang sabi.
"Ano?" natatawa kong sabi.
Seriously? Naging Daddy lang si Theo at nagkaroon na ng pamilya, naging matured na siya at madalas ng seryoso sa mga bagay-bagay. Well, normal lang naman 'yan sa may sarili ng pamilya. Kailangan mong maging mature at malawak ang utak para umintindi. Ang nakakatawa nga lang....
"I mean, wag kang gagawa ng isang bagay na puwedeng ikagalit sayo ng tao dahil sa pagiging curious mo sa kaniya, Dylan. Walang maidudulot na maganda ang mga moves na gagawin mo. Think twice or not just twice, but many times, Dylan. Before doing it,"
Hindi ko na napigilan at napahagalpak ng tawa. Kumunot na naman ang noo niya at mas lalong sumeryoso ang mukha.
"Anong nakakatawa, Dylan Valerious?" may diin niyang sabi na halatang nagtitimpi lang magalit.
"Wala. Just that, you used Dad's line now everytime I'm doing something that he will not going to like. Grabe! Daddy na Daddy ka na talaga, Theo." natatawa kong sabi.
Napangiti naman siya at tumango-tango. "Yeah, I love Kate and my triplets."
Sobrang lapad ng ngiti niya. He really looks happy and contented with Kate and his triplets. Iba talaga nagagawa ng love. I still can remember Theo's line when we are all teen-agers 'As if I'll find a Queen and settle down as a King.'
Love is a different kind of happiness. Theo and Kate just proved it to me now. But love is not one of list just to be happy. And right now, I am contented on what I have.
"Uhuh?" nakangisi kong sabi.
"Oh, yeah! At ikaw, hindi kita pagsasawaang pagsabihan tuwing may gagawin at ginagawa kang kabalbalan," sabi niya habang nakangiti.
"Wow naman! Loves mo talaga ako, ano?" nang-aasar kong sabi na ikinaseryoso niya.
"Tigilan mo ako, Dylan. Nababakla ka na naman."
"Ouchie! You hurt my feelings," sabi ko sabay hawak sa dibdib at ngumuso.
Nai-enjoy kong magbakla-baklaan, talagang naiinis ko si Theo nang mabilisan.
"Stop that, Dylan. Maghilamos ka na." sabi ni Kate na biglang lumitaw sa kandungan ni Theo.
And there they goes again, kissing like there's no tomorrow. Mga P.D.A.
"Hello? Still here?" pagpaparinig ko.
Natatawang tumingin sa akin si Kate. "Lilipat na nga pala kami ng bahay. Sa Dark Forest Street. Block 2 Lot 26. Pinagawa ni Tito Rodhiro ang New Born Village 5 months ago para sa ating mga bampira lang,"
"Iiwan niyo ako dito?" nakanguso kong sabi.
Tumawa na lang silang dalawa.
"Ibig sabihin may sari-sarili tayong bahay do’n?" nagtataka kong sabi.
"Yeah! Pero makakatira ka lang do’n kapag may sarili na daw kayong pamilya at magsi-settle down na," nakangiti niyang sabi.
Napalunok ako. Well, I’m not into love thingy for real. Bakit ba kailangan may partner pa kung puwede naman mag-isa? Bakit kasi kailangan pa ng kasama kung puwede naman lagpasan na walang tulong ng iba?
Naku-curious ako kay Krizzia pero hindi pumasok sa isip ko na gawin ko siyang girlfriend. I was just, so curious about her. She have this different kind of stare that could make me think I did something wrong. I just want to be a friend. Kilala ako sa Blackwell bilang palakaibigan kaya sanay na ang karamihan sa akin do’n.
"Hindi ka yata makapagsalita? Anong nangyari?" nakangising tanong ni Theo.
"Tsk! Wala ka nang pakialam do’n." asar kong sabi at umalis sa harap nila.
Kung maglalampungan lang naman sila sa harapan, puwes hindi ako ako interesado.
Narinig ko na lang ang halakhak nilang dalawa bago ako pumasok sa kwarto ko. Dumiretso ako sa banyo at napahilamos ng mukha habang nakatingin sa salamin.
"Just friends, Dylan. Just a friend." pangungumbinsi ko sa sarili ko.
The hell! Her face flashes on my mind. Napailing ako. Why does my heart is beating faster again?
Krizzia's POV
Agad akong yumuko sa desk ko nang makaramdam ng antok. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Siguro ay namamahay na naman ako or baka inaatake ng insomnia.
Habang nakayuko, naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Hindi ko na lang pinansin at pumikit. I made everyone see through the days na pumapasok ako na ayaw ko talagang makipagkaibigan. It’s better that way, anyway.
"Hi! I'm Dylan Valerious," rinig kong sabi ng katabi ko.
Humarap ako sa kabilang side habang nakapikit pa rin. Napabuntong-hininga na lang ako habang nakapikit.
Kahit sa academy na ito, parang naninibago ako. Hindi ako sanay sa mga ma-tao kaya pina-home study na lang ako ni Lola Esther. Napabuntong-hininga ako ulit bago ko iminulat ang aking mga mata.
Napakurap-kurap ako nang may makitang isang lalake na sobrang lapit ng mukha sa mukha ko habang nakangiti.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo. Ako nga pala si Dylan Valerious," nakangiti niyang sabi at inilahad ang kamay niya sa pagmumukha ko.
Tinitigan ko muna siya bago umiwas ng tingin. Mukha naman siyang mabait at friendly pero, hindi ko kailangan ng kaibigan. Pinikit ko ulit ang mata ko. Mga ilang sandali nang marinig ko ulit ang boses niya.
"Ikaw ang transferee kahapon, ‘di ba? Totoo nga ang sinabi ni Ms. Georgina. Mahiyain ka talaga," rinig kong sabi niya.
Pabayaan mo na lang siya, Krizzia. You don't need anyone. Remember that. Mahinahong sabi ko sa sarili.
"Puwede makipag-friends?" rinig kong sabi niya na ikinatigil ko.
Ngayon ko lang ulit narinig ang linyang 'yon. Pero galing sa isang tao na hindi mo kilala, Krizzia. Huwag mo siyang pansinin. Matauhan ka! Saway ko sa isip ko.
Habang nakayuko sa desk ko, sinagot ko siya.
"Sorry not sorry. No."
I know. Masyadong mean ang sinabi ko. Yeah! Para sa akin mean na 'yon pero ginawa ko lang 'yon dahil natauhan na ako. Ika nga nila, prevention is better than cure. Mas gugustuhin ko na lang umiwas kaysa masaktan pa ulit dahil pagkatapos ng insidenteng 'yon, para akong dahan-dahang pinapatay dahil sa pagsisisi sa sarili ko.
"Ouch!” He chuckled a bit. “Sige. Okay lang. Remember this, Krizzia Ramirez. Hindi ako basta-basta sumusuko."
What? He must be just having fun.
Hindi ko mapigilang manginig at makaramdam ng kaba nang muling marinig ko na sinabi niya ang buong pangalan ko sa utak ko. Lalo na nang sinabi niya na hindi siya basta-basta susuko.
Ano ba ang kailangan ng lalakeng ‘yon?
Dylan's POV
"Ouch!” Medyo natawa ako. She’s this hard to befriend. “Sige. Okay lang. Remember this, Krizzia Ramirez. Hindi ako basta-basta sumusuko." nakangiti kong sabi.
Well, hindi ako susuko. I want her to be one of my friends. Kaso nga lang, para siyang mailap. I can read her mind but I don't want. Nirerespeto ko ang privacy niya.
Iyon ang una kong step to make friends. Respect their own privacy. Atsaka ginagamit ko lang naman ang abilidad na 'yon kapag kailangan talaga.
Minutes passed. I'm still staring at her. She's napping, I guess. Bakit kaya? Hindi kaya siya nakatulog ng maayos kagabi? Umiling na lang ako dahil sa mga katanungang nasa isip ko.
Napatingin ako sa wristwatch ko. 7:39am pa lang. Ang aga naman niyang pumasok. Nang mapatingin ako sa kaniya, hindi ko mapigilang maisip ang babaeng nakita ko sa park. Parang magkahawig sila pero hindi pa ako sigurado kung iisa lang sila.
Agad akong napalingon-lingon sa paligid nang may maramdamang nakamasid. Napabuntong-hininga na lang ako nang makita ko si Kate na pumasok.
"So ako na lang pala mag-isa sa mansion?" nakanguso kong sabi.
Natawa siya. “Tumigil ka nga sa pa-cute mong 'yan. Hindi iba doon din naman tumatambay sila Kyle?" nakangiti niyang sabi.
"Oo nga pala."
"Pfft! Nakatabi mo lang siya, parang wala ka na sa sarili mo," sabi niya at ngumisi.
Pinandilatan ko siya na ikinatawa niya.