The Transferee

1239 Words
Krizzia's POV Agad akong napatakbo dahil sa nakita ko. Hindi ko alam kung nagdi-delusion lang ako or totoo ang nakita ko. Basta natatakot ako. Ayaw ko na maalala pa ang aksidente na nangyari dahil sa akin. Ayaw na ayaw ko na. Habang tumatakbo, patuloy ang pagtulo ng luha ko dahil sa takot at pangamba. Patuloy ang pagtulo ng luha ko kaya lumalabo na ang paningin ko. Hindi ko din alam kung saan na ako papunta basta ang gusto ko lang ay makalayo do’n. Paulit-ulit na nagpapakita sa isip ko ang nakita ko. Hindi ako maaaring magkamali. Mapuputlang balat. Mapulang mata. Matulis na pangil. Mga bampira. Agad akong napatigil nang may isang babae ang hinawakan ako sa magkabilang balikat at nag-aalalang tumingin sa akin. "A-anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?" nag-aalala niyng tanong sa akin. Nang mapatingin ako sa kaniyang mata, bigla akong kumalma. Para akong nahipnotismo ng tingin at hawak niya. Gumaan ang pakiramdam ko at unti-unti, parang wala na akong maalala. Nagdududang napatingin ako sa babaeng nakahawak sa magkabilang balikat ko. "Si-sino ka? Bakit ako nandito? Dapat ay nasa klase na ako ngayon," casual kong tanong. "Nahimatay ka habang papunta sa klase mo. Natagpuan kita dito." Ngumiti lang siya sa akin at giniya ako paupo sa isang bench na malapit sa malaking puno. "Ako nga pala si Kate Merilia Vrey. Isa ako sa student council. Nagmo-monitor ako nang matagpuan kita dito na walang malay."  Tumango na lang ako. May kakaiba sa ngiti niya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko habang nakatingin sa kaniya na nakangiti. Dapat ba akong matakot o huwag na lang pansinin? "Transferee ka dito diba? Ano bang pangalan mo atsaka anong room mo?" tanong niya sa akin. "Krizzia Ramirez. Building A. Room 0-1 or A."  Napatango-tango na lang siya at tumahimik. Tahimik ang buong paligid at tanging paghampas lang ng hangin sa mga puno ang maririnig namin. "Gusto mo bang i-tour kita?" nakangiti niyang sabi sa akin. "No." Nawala naman ang mga ngiti niya. As much as possible, ayaw kong sumama sa kahit kanino habang nasa Manila. Wala akong puwedeng kaibiganin at pagkatiwalaan. Nang matapos ang insidente na nagpabago sa akin, nangako ako na kahit kailan ay wala na akong pagkakatiwalian. Dahil sa katangahan ko, nawala ang mga taong mahal ko.   Kate's POV I don't know why she refused. Hindi ko mapigilang mapaisip nang makita ang kalungkutan sa mukha niya bago siya umiwas ng tingin. Napabuntong-hininga na lang ako at binasa ang isip niya. "Kuya! Please, wake up. Huwag mo akong iwan." Nagtataka napatitig ako sa kaniya. Sa tingin ko ay may naaalala siya na parte ng kaniyang nakaraan. Umiiyak siya habang hawak ang kamay ng Kuya niyang puno ng dugo ang katawan. "If you just accepted my deal, hindi mangyayari ito. You should just accept it, Krizzia. Maliit lang naman ang gusto ko at ikaw lang ang makakagawa no’n, Krizzia." Hindi ko mapigilang maawa sa kaniya. Madali siyang magbigay ng tiwala sa mga taong kakakilala pa lang. Kung paano ko nalaman? Nabasa ko ang isip niya at sinisisi niya ang sarili niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Nang mapatingin siya sa akin, agad ko siyang kinontrol at tinanggal ang lungkot na nararamdaman. Napangiti na lang ako nang makitang umitim ang mata ni Krizzia, senyales na nabura ko na ang kalungkutan na nararamdaman niya. Tumingin siya sa akin. Naguguluhan pa din siya pero wala na ang lungkot na nararamdaman. "Si-sige." sabi niya na ikinangiti ko. Binasa ko ang isip niya at hindi ko mapigilang mas mapangiti dahil sa sinabi niya sa isip niya. “Ngayon lang naman.”    Dylan's POV Break time. Lahat sila ay nagsilabasan na maliban sa akin. Hinahantay ko kasi si Kate at Theo. Sabay-sabay kaming pupunta ng cafeteria. "Dylan." Agad akong tumayo nang makita ko si Theo. Nagtatakang napatingin ako sa kaniya nang mapansin na hindi niya kasama si Kate. "Nasaan si Kate pati ang triplets?"  "Nag-text si Kate sa akin na mauna na daw sa cafeteria. Ang triplets naman ay naiwan kay Georgina. Ewan ko ba diyan kay Georgina at gustong-gusto na siya ang magbantay sa triplets," nakabusangot na sabi ni Theo. Lumabas na kami ng room at dumiretso sa cafeteria. Natatawang napatingin ako kay Theo nang makita namin si Kate na nakapila na para kumuha ng pagkain. "Akala ko wala pa siya dito. Tch!" sabi ni Theo at duumiretso sa usual table namin na pang maramihan. Nang makaupo na kami, agad akong napatingin kay Theo na seryosong nakatingin sa akin. "I think may something na naman si Georgina." "Tch, hindi naman mawawalan ng balita or tsismis 'yang si Georgina. Hindi ko nga maiwasang isipin kung pinagmamayabang niya 'yang kapangyarihan niya," nakangisi kong sabi. Agad na napangiti si Theo nang makita si Kate na papalapit sa amin habang may dala na pagkain. "Wow naman! Ang bait ng bestfriend ko. Dinalhan pa ako ng pagkain." biro ko. Kukunin ko na sana ang apple na nasa tray niya nang tapikin niya ang kamay ko ng malakas. "Kumuha ka ng sarili mo. Akin lang 'to. Psh!" sabi niya at kinuha ang mansanas sabay kagat. "My love, paano naman ako?" nakangusong sabi ni Theo. Hindi ko mapigilang mapatawa habang nakatingin kay Theo na nakanguso. Mukha kasi siyang katawa-tawa sa ginagawa niya. May panguso-nguso pang nalalaman na para bang nagpapaawa. Akala mo si Puss in Boots. "Hindi mo ako alipin. Asawa mo ako. Kumuha ka ng sarili mo," sagot ni Kate habang nakatuon ang atensyon sa pagkain niya. "Asawa nga kita. Hindi ba dapat pinaghahanda mo ako?" sabi ni Theo at mas lalong ngumuso. "Tigilan mo ako, Theo. Iwanan kita, gusto mo?" pananakot ni Kate. Napatigil naman si Theo at sumeryoso. Napahalakhak naman ako. Damn. Takot sa asawa. Takot iwanan ni Kate. Agad akong tumigil sa kakatawa nang mapatingin silang dalawa sa akin ng masama. Tumayo ako at itinaas na lang ang dalawang kamay ko na para bang sumusuko. "Kukuha na ako ng pagkain ko," nakangiti kong sabi at pumila. Pagkatapos kong kumuha ng pagkain, agad akong dumiretso sa table namin at umaktong kumakain. Napatingin ako kay Kate at Theo na magkatabi at nagsusubuan ng grapes. Napangiti na lang ako at umiling. Buti na lang at hindi kami nilalanggam dito. Sabi ko sa isip ko at itinuon ang atensyon sa pagkain. Napatingin ako sa buong cafeteria. Maraming estudyante ngayon. Well, nadagdagan lang naman ang mga students dito simula nang dumating ang mga hindi kilalang vampire clan sa iba't ibang panig ng mundo. Agad akong napatigil sa pagsubo nang may nakaagaw ng atensyon ko. Isang babae. Mag-isa lang siya habang kumakain. Halatang transferee pero para siyang pamilyar. Nakita ko na ba siya dati?  Hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya kahit nakatalikod siya. Habang nakatitig sa kaniya, naramdaman kong tumibok ang puso ko. Agad akong napatingin kay Kate na nakangising nakatingin sa akin. "Sinong tinitignan mo?" tanong niya na may pang-aasar na tono. "Wa-wala." sagot ko at umiwas ng tingin. Napansin kong napatingin si Kate sa direksyon ng babae na tinitignan ko kanina. Nakangising bumaling ulit sa akin si Kate. "Si transferee pala. Her name is Krizzia Ramirez. Nakilala ko siya kanina. Hindi totoong mahiyain siya kagaya ng sinabi ni Georgina. Umiiwas lang talaga siya at ayaw niyang makipag-kaibigan," sabi ni Kate. Napatitig ulit ako sa babaeng nagngangalang Krizzia. I don't know why I’m feeling this but, my heart is really beating faster while staring at her. There is really something about her. "Staring is rude you know," nakangising sabi ni Theo at umiling. Hindi ko na lang sila pinansin at pasimpleng tumitig ulit kay Krizzia.  Krizzia.  She had a beautiful name. I was stunned when she turned her head on my direction and our eyes locked to each other. Agad akong napaiwas ng tingin sa kaniya at tumingin sa ibang direksyon. Napakamot na lang ako ng batok ko nang tumawa si Kate habang nakatingin sa akin. "My man, are you in love?" nakangising sabi ni Theo. Napaiwas na lang ulit ako ng tingin. Hindi ko hinayaang makita ni Theo at Kate ang ngiti na gumuhit sa labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD