Joshua Halos paliparin na nya ang kotse sa bilis ng pag mamaneho nya, tila doon nya binubuhos ang galit at sama ng loob. Ngayon alam na nya ang totoo, na walang kasalanan si Aya sa mga nangyari noon. Na isa din itong biktima tulad nya, dahil hindi nito kayang ipangtangol ang sarili nito noon. Hindi nya alam kung magagalit ba sya sa Mama nya o hindi, alam nyang nais lang syang protektahan ng Mama nya, lalo na ang pangalan nila. "Damn it!" Sigaw nya at napasuntok sa manibela. Magulo ang isip nya ang dami nyang iniisip, pero sa mga oras na yon, isa lang ang gusto nya, ang makita't makausap si Aya. "Aya! Aya!" Sigaw nya habang malakas na kinakalabog ang pinto ng unit nito. Pero wala paring sagot. "Aya! Open the door!" Hey, Mr!" Tawag sa kanya. Nakita nya ang may edad na babae sa kabil