Aya "Aya! Oh my god what happened to you?" Nag-aalalang tanong ni Paolo ng makababa ito ng kotse at salubungin nya. Tinawagan nya si Paolo ng makalabas sya ng bahay ni Joshua. Pinakiusapan nya ang kaibigan na sunduin sya, at laking pasalamat nya dahil wala itong trabaho at lakad kaya nasundo sya nito. Kung hindi baka mag bus sya at may makakilala sa kanya at ma tabloid pa sya. Baka sabihing nanghihirap na sya. "Thank you Paolo, thank you so much" Sabi nya rito at niyakap ito. "What's is happening to you eh?" Tanong nito habang pasakay na sila sa kotse nito. Pagkagising nya kanina masakit ang buong katawan nya, lalo na ang ibabang bahagi ng katawan. Alam nyang dahil yon sa ginawa nyang pagpapaubaya. Naibigay nya ang sarili kay Joshua ng hindi lang isang beses, kundi pa ulit-ulit. At wa