Joshua Pagmulat nya, kaagad hinanap ng mga mata nya si Aya. Pero wala ito sa tabi nya. Marahil bumangon na ito o kaya nasa banyo. Napatingala sya sa kisame at para bang nakikita doon ang mga nangyari sa kanila ni Aya kagabi. Na angkin nya si Aya, hindi lang isa beses, paulit-ulit na may nangyari sa kanila sa loob mismo ng silid na ito, saksi ang silid na ito, nang una nyang angkinin si Aya, may napatunayan sya sa sarili. Virgin si Aya, she was virgin. Hindi sya maaring magkamali, sya ang unang lalaki sa buhay nito. Nagkamali sya sa mga paratang nya rito, nagkamali sya ng iniisip na masamang babae ito, na ginamit nito ang katawan para sa maruming trabaho. Napasabunot sya sa sariling buhok at naupo sa kama, sumandal sa headboard at napansin ang kulay pula na naka kalat sa bedsheet. Nap