Aya Hindi nya namalayan na nakatulog pala sya sa silid ni Joshua, marahil dahil sa pagod at sa dami ng iniisip nya. Ayaw na nyang malaman pa ni Joshua ang lahat ng nangyari noon, nangako sya sa sarili na kahit anong gawin nito hindi nya sasabihin ang totoo. Bahala na ito kung anong gusto nitong isipin sa kanya. Ayaw na nyang makagulo pa sa mga ito, tahimik na ang lahat. Dinala sya ni Joshua sa Baguio, ng labag sa kalooban nya para itanong lang ng itanong ang nangyari 7 years ago. Pero wala itong makukuhang sagot sa kanya. Alam nyang nagpakita sya ng kahinaan kay Joshua kanina ng hindi nya mapigilan ang emosyon at umiyak ng umiyak. wala syang nagawa kundi umiyak sa harapan nito. Dahil kahit ipaliwanag pa nya ang lahat rito, hindi parin magiging sila, wala paring pag-asang maging sila. Dah