Joshua Kanina pa sya nakaupo sa opisina at nakatingin sa labas ng bintana. Hindi sya sumabay sa Papa nya pauwi ng mansyon. Alam nyang makikita nya si Aya roon. Nais muna nya itong iwasan, baka hindi nanaman nya mapigilan muli ang sarili. Kaninang nakita nya ito, hindi nya nagawang pigilan ang sarili na halikan ito. Napapikit sya at napahawak sa nanakit na ulo. Mula ng makita nya si Aya, hindi na ito nawala sa isip nya, lagi nya itong nakikita kahit saan sya tumingin. Ang magandang mukha nito. Ang mga magagandang mata nito, at malambot na labi. Humugot sya ng malalim na paghinga. "She's back" Bulong nya sa sarili at lumakad palapit sa salamin na dingding ng opisina. Nakikita nya mula sa kinatatayuan ang rooftop ng SMU. Kung saan nya huling nakita't nakasama si Aya. His girlfriend. Pero