Present "Napasarap yata ang tulog mo hija" Sabi ng Nanay Alma nya ng magmulat sya ng mga mata. Hindi nya namalayan na nakatulog pala sya. Marahil dahil sa pagod sa biyahe at sa dami ng iniisip. "Oo nga po" Nahihiyang sagot nya at naupo sa kama. Aaminin nyang na miss nya talaga ang silid, kaya napasarap ang tulog nya. "Pinaakyat na ko ng Lola mo, dahil parating na si Joshua at Papa nito, sabay-sabay na daw kayong maghapunan. "Joshua" Mahinang usal nya. Galit ito sa kanya, dahil akala nito basta nalang syang umalis noon. Pero paano ba nya masasabi rito na hindi nya gusto ang nangyari, na wala syang nagawa noon, dahil napakabata pa nya at mag-isa lang. "Ano yon hija?" Tanong ng Nanay Alma nya,marahil narinig nito ang bulong nya. "Ah...si....si Manang Lorna po, dito pa po ba namamasukan?