Kathnisse's POV Maaga akong nagising para mag-ayos, birthday ngayon ni Mama kaya pupuntahan ko siya sa sementeryo. Pagkababa ko ay walang tao ang bahay. Hindi ko alam kung nasaan sila Ate Letty. Lumabas ako para tingnan kung nasa labas ang bodyguards ni Alejandro pero wala rin sila. Usually naman ay may mga bodyguards dito si Alejandro na nakabantay. Lumabas ako ng gate at nakasalubong ko ang dalawang bodyguards ni Alejandro. "Ma'am, saan po kayo pupunta?" Tanong ng isa. "Ah, may pupuntahan lang. Babalik naman ako kaagad. Pakisabi nalang sa boss niyo." Sagot ko. "Hintayin mo nalang po si Mang Edgar, pabalik na po siguro sila galing palengke." Ani ng isa. Umiling ako, "kapag hinintay ko pa sila ay matatagalan pa ako." Ilang beses pa nila akong pinigilan pero wala rin silang nagawa. P