Kathnisse's POV Ang lakas-lakas ng kabog ng puso ko. Unti-unti itong lumapit sa akin. Naibuka ko ang mga labi ko pero walang salitang lumabas doon. Nakatitig lang ako kay Aled. "Why can't you answer me? Do you still love me?" "I--" Hindi ko madugtungan ang sasabihin ko. Parang may malaking bato na humaharang sa lalamunan ko. Tanging kabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko ngayon. Nang iilang inches nalang ang pagitan namin ni Aled ay doon palang ako napaatras pero mabilis niyang nahawakan ang bewang ko. "Don't.. just don't." Bulong nito, "I want your answer, Baby." Hinaplos nito ang pisnge ko at mataman akong tinitigan. Tinulak ko siya pero parang wala akong lakas. Hinawakan nito ang kamay ko at pinatong ito sa dibdib niya. "You can make my heart beats so fast, sa 'yo ko lang narar