Kathnisse's POV Nagising akong may nagdodoorbell kaya bumangon ako para magtungo sa pinto. Papikit-pikit pa ang mga mata ko nang buksan ko ang pinto. Bumungad sa akin ang isang lalaki na may dalang malaking itim na paper bag. Napasilip ako sa langit, padilim na ang langit. Hindi ko napansin kung anong oras na. "Good evening, Ma'am. Para po sa inyo." Aniya at inabot sa akin ang paper bag. "Wala po akong in-order, Kuya." Magalang na wika ko. Napatingin ito sa card, "kayo po ba si Ms. Kathnisse Garcia?" "Opo." "Para po ito sa inyo, Ma'am. Pinadala lang po sa akin." Nagtataka man ay tinanggap ko nalang ang paper bag. Nagpasalamat ako bago ko sinara ang pinto at nagtungo sa sala para tingnan kung ano ang laman ng paper bag. May nakita akong card at binasa ko ito. "Wear this tonight."