Chapter 2

1096 Words
Reve’s POV   “Ano ka ba Reve? Hanggang sa pag-upo ka na lang ba diyan sa sulok? Anong silbi ng pagpunta mo rito kung hindi ka man lang iinom o ang sasayaw? O hindi kaya ang makipag make fun sa mga lalaki dito sa bar?” pilit akong napangiti nang marinig ko ang sinabi ni Rhona, ang isa sa mga kaibigan kong kasama dito sa bar.   Suot ang crop top shirt at ang makitid na short ay tahimik lang akong nakaupo sa matahimik na sulok kung saan kami nakatable ngayon. Hindi ako komportable sa suot ko ngayon at mas lalong hindi ako komportable sa kung saan man ako naroroon.   Alas otso na at alam kong malalim na ang gabi. Ramdam na ramdam ko ang ginaw sa aking katawan at ni isang beses ay hindi ko pa nagalaw ang baso ng alak na nasa aking harapan. Tamang titig lang ako dito habang pinipilit na maging komportableng tingnan ang sarili sa gitna ng maiingay na silid at sa mga mata ng aking mga kasama.   Sa bar- ang silid kung saan naroroon ang mga taong walang ibang hinangad kung hindi ang maging masaya lang. Karaniwan ay nasa impluwensya ng alak at wala na sa sarili. Hindi ko alam kung bakit ako sumama sa mga kaibigan ko dito. Ni isang beses ay hindi pa ako nakapunta dito at ngayon lang. Ni hindi ko alam kung tamang lugar bai tong pinasok ko lalo pa at pakiramdam ko ay hindi ako komportable dito at parang habang lumalalim ang gabi ay parang hindi na ako ligtas pa dito.   “Common Reve! Hindi pwedeng sa trabaho na lang palagi ang buhay mo! Dalaga ka at kailangan mo ring maging masaya. Drink it and have fun with us!” masayang sambit ni Diego sa akin, ang boyfriend ni Rhona na ngayon ay alam kong matindi na ang epekto ng alak sa katawan. Pansin ko run kung paano pumapalupot ang kamay nito sa hita ng kaibigan ko na kunting galaw na lang ay tuluyan na iyong dumapo sa pribadong parte ng kanyang katawan.   Ngumiti ako. Iiwas na sana ako ng tingin sa kanila at muling ituon ang aking atensyon sa paligid nitong bar ngunit hindi ko iyon nagawa nang harangin ni Jessie ang aking paningin. Ngayon ay bitbit na  nito ang basong nasa harapan ko lang kanina. She offered me that glass kaya wala na akong ibang nagawa pa kung hindi ang tanggapin ito.   Napatingin ako sa aking mga kasama at huli na nang mapansin kong sa akin na pala nakatuon ang kanilang atensyon na animo’y inaabangan ang pag-inom ko sa alak na iyon. The moment became awkward. Ni hindi ko alam kung kakayanin ko bang lunukin ang alak na ito.   “Guys! Reve is taking her first drink! Go Reve!” malakas na sigaw ni Jessie at ganoon rin ang ginawa ng iba ko pang kasama.   Pumikit ako at kasabay ng pagpikit kong iyon ay ang pagdiin ko ng basong hawak ko sa aking bunganga. Hindi ko alam ang lasa ng alak na ininom ko ngayon. Wala akong ibang naging reaksyon kung hindi ang namnamin habang nakapikit ang alak na patuloy na dumadaloy ngayon sa aking lalamunan.   Nang tuluyan ko na iyong naubos ay muli kong inilapag ang walang laman na baso sa mesa at hindi rin nagtagal ay muli iyong nilagyan ni Rhona kaya napatingin na naman ako doon.   Parang unti-unti kong naramdaman ang saya sa puntong ito. Nakailang bago ng ako ng beer at habang paparami nang paparami ang naiinom ko ay parang unti-unti ko na ring natindihan ang totoong kahulugan ng silid na siyang kinaroroonan ko ngayon.   The night goes deeper and wilder. Wala sa sarili akong nakaupo sa table ngayon habang ang mga kasama ko ay unti-unting naglaho sa aking harapan na alam kong sa dance floor ang tungo nilang lahat. Hindi ko na alam kung anong oras ngunit ang tanging alam ko lang ay parang tinatawag ang sarili ko sa malalakas na himig ng musika sa dance floor.     Mainit na mainit ang pakiramdam ko. Siguro ito na iyong tinutukoy nilang epekto ng alak na ininom kanina.   Hindi rin nagtagal ay tumayo rin ako mula sa aking kinauupuan. Ni muntik na akong mawalan ng balanse nang makatayo ako. Pumunta ako sa dance floor at nag-iisang sumabay sa mga taong naroon. Ito ang unang beses na makapunta ako sa lugar na ito at hindi ko inaasahang dito ko pala unang maranasan ang saya buong buhay ko.   Wala akong ibang ginawa kung hindi ang magtrabaho lang at ang suportahan ang aking pamilya buong buhay ko at ngayon ay parang unti-unti kong nakakalimutan ang totoong buhay na mayroon ako. Wala na akong pakialam pa at tanging nais ko lang ay ang damdamin ang sayang nararamdaman ko ngayon.   Sa sobrang lakas ng tunog ay napasayaw na rin ako at napatalon tulad ng ginagawa ng halos lahat ng tao dito sa dance floor. Nakamulat ang aking mga mata at alam kong ilang hibla na lang ay pipikit na ako nang tuluyan. Umiikot ang aking mundo ni bawat paghakbang ko ay parang lumulutang ako sa malawak at malalim na karagatan.   Ilang minuto pa nang tuluyan na akong nawala sa sistema at kasabay ng pagpikit ko ay ang paghilig ko sa isang nilalang sa aking harapan. Matigas na katawan ang bumungad sa aking pakiramdam. Wala na akong ibang gusto sa mga oras na ito kung hindi ang pumikit na lamang ang hayaang lumipas ang sandali.   Napamulat ako ng mga mata ngunit dahil sa matinding pagdedeliryo ay wala akong ibang maaninag kung hindi ang umiikot na paningin ngunit isa lang ang alam ko at iyon ay nakayakap ako sa mainit at matigas niyang katawan.   Wala na akong ibang maramdam sa puntong ito kung hindi ang mainit niyan sistema. Tuluyan na ring lumisan ang lakas sa aking katawan kaya sa kanya na lang nakadepende ang tindig ko ngayon.   “Where are we?” ang katatagang binitiwan ko. Hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon ngunit isa lang ang nasa isipan ko at iyon ay ang matahimik at ang malambot na pakiramdam sa aking buong katawan.   Nakapikit pa rin ako. Gugustuhin ko mang gumalaw ngunit hindi ko magawa gayong wala akong sapat na lakas para gawin iyon.   Kasabay ng tuluyang pagpikit ko at ang pagkawala ng aking sistema ay ang maramdaman ang mainit na bagay sa aking mga labi at ang dahan-dahang pagbaba ng makitid kong shorts. I can’t avoid that kiss as the unconsciousness is still in me.   Naririnig ko pa ang pagbulong nito ngunit hindi ko na iyon pinansin pa gayong tuluyan na akong nawala sa aking sistema. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD