Chapter 3

711 Words
Reve’s POV   Nagising akong ramdam na ramdam ang masakit na sintido. Hindi ko magawang igalaw ang aking buong katawan. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata ay mabilis kong kinuha ang aking alarm na ngayon ay patuloy pa rin sa pagtunog. Mabilis ko iyong pinatay saka mabilis na humigang muli sa malambot kong kama.    Hindi pa nga ako nakahigang muli sa aking kama nang marinig ko ang mga text messages na ngayon ay panay ang tunog sa aking cellphone. Wala akong balak na silipin iyon ngunit nang maaninig ko ang pangalan ni Rhona doon ay hindi ko maiwasang mapukaw ang aing atensyon.   Inisa-isa kong tiningnan ang mga text messages sa aking cellphone at kasama na doon ang kay Rhona.   “Okay ka lang ba?” “What’s up, Reve?” “Reve? Uminom ka ng mainit na sabaw pagkagising mo.” “Saan ka galing kagabi? Marami akong tanong sa ‘yo…”   Napukaw ang aking sistema nang mabasa ko ang huling mensahe. Mula iyon kay Rhona.   Nang sumagi sa aking isipan ang kunting alaala sa nangyari kagabi ay mabilis akong napatakip ng aking bibig. Hindi ko alam kung ano na ang kasunod na nangyari kagabi basta ang alam ko lang ay pumunta ako sa dance floor at pagkatapos n’on ay hindi ko na alam pa ang kasunod na nangyayari.   Sa sobrang gulat ko ay mabilis akong napatayo saka mabilis na humakbang papunta sa salamin. Mabilis akong tumayo doon at kasabay ng pagtingin ko sa repleksyon ko doon ay ang paghawi ko sa suot kong shirt. Mabilis kong inangat ang suot kong shirt hanggang sa tuluyan ko na iyong nahubad. Kasabay ng paghubad ko sa  suot kong shirt ay ang paglitaw ng isang kiss mark sa aking dibdib. Sa sobrang gulat ko ay wala na akong ibang magawa pa kung hindi ang mapatakip na lang sa aking bibig.   Dammit! Who’s that man! How could he take advantage in my unconscious body? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito. Ramdam na ramdam ko ang panginginig sa aking katawan. Hindi ko alam kung kanino ako magalit, sa lalaking iyon ba o sa aking sarili.   Bakit ba kasi naisipan kong uminon nang ganoon karami kagabi?   “Please come at my apartment. Ngayon na, Rhona.” Mabilis kong pinindot ang send button ng aking cellphone saka iniwasan na iyon ng tingin.   I can still remember his hard chest at ang pabango niya sa gitna ng malalakas na tunog at matataong lugar. Pagkatapos n’on ay hindi ko na alam pa ang nangyari. Basta ang tangiing alam ko lang ay tuluyan na akong nawala sa aking sistema at pinapaubaya na lang ang aking sarili.   Ngayon ay wala na akong ibang gustong gawin kung hindi ang hanapin ang lalaking iyon at pagbayaran ang ginawa niya sa akin! He stole everything from me! Ang bagay na siyang pinakaiingatan ko ay walang kahirap-hirap lang niyang kinuha!   “Really? Wala kang maalala? Reve, malala ‘yan,” wika ni Rhona sa akin. nakaupo siya ngayon sa aking kama habang ako ay nakahiga lang at hindi mapakali’t pinipilit na maalala ang nangyari sa akin kagabi.   “Hindi mo ba talaga nakita kung sino ang huling lalaking nakasama ko sa bar na iyon, Rhona? Hindi pwedeng ganoon na lang iyon! Hindi ko pwedeng papalampasin ang nangyari sa amin kagabi!” wika ko kay Rhona.   Pansin ko ang mabilisang pagtakip ni Rhona ng kamay sa bibig nito. Mabilis rin akong mapabaling rito. “What? May nangyari sa inyo kagabi?!” gulat na tugon nito sa akin.   “Iwan ko. Ikaw kasi, eh! Sana hindi na lang ako uminom nang ganoon karami!” inis na wika ko. Pero mas dumaig sa aking isipan ang kakaisip tungkol sa walang hiyang lalaking nagsasamantala sa pagkababae ko kagabi.   “Nako Reve. Paano kung mabuntis ka? Sino ang kikilalaning ama ng magiging anak mo? Mahirap ‘yan!”   Sa sobrang gulat ko sa sinabi ni Rhona ay mabilis ko itong binato ng unan na nasa aking tabi. “Loka loka! Huwag naman ganoon, Rhona.” Mabilis na sambit ko kasabay ang pag-iwas ko ng tingin dito.   Hindi ko pwedeng papalampasin ang ginawa ng lalaking iyon. Pinapangako ko sa aking sarili na makukulong siya sa sa ginawa niyang pagsasamantala sa walang malay kong katawan kagabi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD