ISANG linggo pa ang lumipas. Kailangang samahan ni Rachell si Renzo sa lahat ng pupuntahan nito. Pero nang mapansin niya na hindi ito maka-ralate sa mga meeting na dinaluhan nila ay minabuti niya na siya na lamang ang tumayong representative nito. Nakakapag-drive na ito kaya bumili siya ng mas maliit na kotse. Natatakot kasi siyang ipagamit dito ang SUV dahil may problema na ang makena. Sabado noon, nauna sa opisina si Renzo. Nagluto pa kasi siya ng baon nila para sa tanghalian. Bago siya umalis ay pinakain na niya ang mga alaga niyang aso. Marami silang paperwork kaya maghapon sila sa opisina. Pagdating niya sa opisina ay nagtataka siya bakit wala roon si Renzo. Kinabahan na siya. Binulabog niya ang ibang empleyado. Wala raw nakakita kay Renzo, hindi pa raw ito pumapasok sa gusali. Pero