“MOMMY, paglaki ko hahanapin ko si Olive.” Natawa si Rachell sa sinabi ni Valtazar. “Anak, sa Spain na titira si Olive kaya hindi mo na siya makikita,” aniya sa pitong taong gulang na anak. “E, ‘di pupunta ako sa Spain,” anito. Tumawa na naman siya. Sa kasalukuyan niya itong binibihisan. Dadalo kasi sila sa kaarawan ng bunsong anak ni Zarina na babae. “Hayaan mo, anak, kapag nagbakasyon sa Spain ang Lolo mo ay sasama tayo,” sabi na lang niya. “Yehey! Pagkatapos isasama natin pauwi si Olive. Yes!” Napangiwi siya. Hindi niya mapigil ang pagkakagusto ng anak niya kay Olive, ang dalagang naging tutor ni Val, pero dahil ikakasal na ito sa nobyong Latino ay kinailangan nitong sumama sa Sapin at doon na manirahan. Nalungkot siya dahil bata pa lang ang anak niya ay brokenhearted na. Hindi b
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books