“NAGISING na si Zardum, Rachell!” batid ni Zarina. Ang puso ni Rachell na kamuntik nang sumabog dahil sa nerbiyos ay biglang nagtatatalon sa tuwa. Hindi niya naisatinig ang nais niyang sabihin. Gusto na niyang makita ang kanyang asawa. “Dalhin mo ako sa kanya, Zarina,” sabi niya nang mahimasmasan. Napalis ang ngiti ni Zarina. “Hindi pa puwede, Zarina. Ang sabi ni Zardum, manatili ka rito at hintayin na lang siya,” anito. “Pero nakabalik na siya, ibig sabihin ligtas na ako sa mga diablo.” “Oo, pero hindi lang diablo ang maaring maging banta sa buhay mo gayong dala-dala mo ang anak ng hari ng impyerno. Para makatiyak tayo, hintayin na lang natin dito si Zardum. Si Kenji na ang bahala sa kanya.” “E, kumusta naman siya? Malakas na ba siya?” nag-aalalang tanong niya. “Okay na siya, pero