ALAS-DOSE na ng hating gabi pero dilat pa rin ang mga mata ni Rachell. Mahimbing na ang tulog ni Zardum sa tabi niya. Nahirapan pa siyang palipatin ito dahil hindi nito mapigil ang antok. Inakay pa niya paakyat ng hagdan. Pinagmamasdan lamang niya ito habang nilalaro niya ang dibdib nitong nalalatagan ng pinong balahibo. Kinakabahan siya sa tuwing iniisip ang pagbubuntis niya. Naisip niya, ano kaya ang hitsura ng anak niya sakaling si Zardum nga ang ama? Naguguluhan siya. Okay lang din kung si Renzo. Kaluluwa lang naman si Zardum kaya malabong ito ang magiging ama ng anak niya. Katawan pa rin ni Renzo ang dinadala nito. Kung kailan nakakaidlip na siya ay saka naman may hanging dumampi sa mukha niya. Kumislot siya. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Nanlaki ang mga mata niya na