NAGMAMADALING bumama ng hagdan si Rachell para salubungin ang lasing niyang asawa ngunit napahinto siya sa paanan ng hagdan nang kamuntik na siyang matamaan ng inihagis ni Renzo na flower vase. Huminto ito sa pagwawala nang mapansin siya. Nagulat siya nang bigla na lamang siya nito nilapitan at sinugod ng yakap. Kamuntik pa siyang sumimplang kung hindi lamang siya nakakapit sa barandelyas ng hagdan. Hindi niya inaasahan ang gagawin nitong iyon. Pinatulin niyon ang t***k ng puso niya hindi dahil sa kaba kundi sa labis na pananabik. “Why you accepted me in your life, Rachell? I’m nothing. I won’t deserve you; I can’t give you a happy married. I’m weak, I’m nobody,” wika nito sa malamyos na tinig. Hindi niya lubos maunawaan kung ano ang nais nitong ipahiwatig. Hinaplos niya ang likod nito.