NAWINDANG si Rachell nang ibalita ng kanyang ina ang desisyon ni Renzo. Hindi siya makapaniwala na sinabi ni Renzo na papakasalan siya nito. Dapat ay matuwa siya ngunit inalipin siya ng hindi maipaliwanag na takot. Hindi pa siya handa.
“Mas mabuti na iyon kaysa lumaki ang anak mo na wala sa tabi niya ang tatay,” sabi ng kanyang ina.
Kararating lang nila sa bahay mula sa ospital. “Ano po ba ang sinabi n’yo sa kanya?” tanong niya ina.
“Ipinamukha ko lang naman sa kanya ang responsibilidad niya sa ‘yo,” anito.
“Hindi n’yo dapat ipinilit ang kasal.”
“Hindi ko naman ipinilit, eh, siya ang nagdesisyon na pakasalan ka.” Napatda siya. “Dapat lang iyon, nang hindi ka mahirapan sa pagpalaki ng anak mo.”
Hindi na lamang siya kumibo. Dumeretso na siya sa kanyang kuwarto.
Makalipas ang tatlong araw na pahinga ay bumalik na sa trabaho si Rachell. Nagkasabay pa sila ni Renzo na pumasok sa elevator. Silang dalawa lang ang naroon. Nasa iisang floor lang ang opisina nila at wala masyadong tumatambay roon na empleyado.
May tatlong dangkal ang agwat niya sa binata. Nakasuot ito ng itim na polo at black faded jeans. Sa ayos nito ay mukhang wala itong lakad. Sobrang seryoso nito at tila hindi ramdam ang presensiya niya. Naiilang naman siyang kausapin ito pero hindi puwedeng manahimik lamang siya gayung may isyu sa pagitan nila.
“Uhm…”
“Kumusta ka na?” tanong nito na pumigil sa kanya sa pagsasalita.
Kumabog ang dibdib niya. Napilitan siyang sulyapan ito. “Bumubuti na ang pakiramdam ko. Nahihilo lang ako at nasusuka tuwing umaga,” sagot niya.
“Pupunta ako mamaya sa bahay ninyo para kausapin ang mga magulang mo tungkol sa kasal,” anito.
Napatda siya. Matamang tinitigan niya ito.
Nang bumukas ang elevator ay nagpatiuna na itong lumabas. Lumabas na rin siya at dumeretso sa kanyang opisina. Hindi niya malaman kung matutuwa o malulungkot siya sa nangyayari. Alam niya na napipilitan lang si Renzo na pakasalan siya. Pero ramdam niya sa kanyang sarili ang pag-aasam na makasama ito nang matagal sa buong buhay niya.
May isang salita si Renzo. Talagang hinarap nito ang mga magulang ni Rachell. Nakipagkasundo na ito tungkol sa kasal at gusto nito ay sa susunod na buwan na. Nababahala ang dalaga sa bilis ng pangyayari. Alam ba ni Renzo kung gaano kahirap matali sa isang kasal? Baka nabibigla lang ito.
Pagkatapos ng hapunan kasama ang binata ay kinausap niya ito sa garahe ng bahay nila. Nagmamadali ito pero hinarap naman siya.
“Hindi mo naman kailangang apurahin ang kasal. Masyadong mabilis kung sa susunod na buwan na,” aniya.
“Ayaw ko nang hintayin na lumaki pa ang tiyan mo. May nakausap na akong judge na magkakasal sa atin. Asikasuhin mo na kaagad ang papeles mo,” seryosong sabi nito.
May kirot na lumukob sa puso niya. Marahil ay ikahihiya nitong malaman ng mga tao na nakabuntis ito kaya kaagad nagpakasal.
“Kung napipilitan ka lang, huwag na lang, Renzo,” may pait sa tinig na sabi niya.
“Huwag mo na akong kuwestiyunin. Pasalamat ka, naisip ko pang pakasalan ka,” anito at binuksan na ang pinto ng kotse nito. “Hindi lang naman ito para sa iyo, para ito sa bata at sa repustasyon nating dalawa,” sabi pa nito saka tuluyang lumulan sa sasakyan.
Parang pinipiga ang puso ni Rachell habang tinatanaw ang kotse na papalabas ng gate ng bahay nila.
Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya. Pero wala na siyang choice. Naisip na lang niya na magbabago rin si Renzo at matatanggap din siya nito. Ikinompara niya ang sitwasyon niya sa mga nangyayari sa nobela, na mai-in love rin sa babae ang lalaking napilitan lang ito3ng pakasalan. Ang kailangan na lang niyang gawin ay mag-effort para mapaibig niya ito.
Kumalat na sa buong agency ang tungkol sa kasal nila ni Renzo, bagaman sekreto, hindi pa rin maiiwasan na may makakaalam. Marami ang nagulat at tila napasama pa siya. Kasehudang inakit lang niya si Renzo at nang mabuntis siya ay mapilitan itong pakasalan siya.
Hindi niya nagustuhan ang komento ng ibang tao. Pero mas mahalaga sa kanya ang kinabukasan ang anak niya. Naniniwala siya na magiging masaya rin siya sa piling ni Renzo.
Ang kasal nila ni Renzo ay parang kidlat lang na dumaan sa buhay niya. Subalit isang araw matapos ang kasal ay tila binalot ng yelo ang puso ni Rachell, dahil sa malamig na pakikitungo sa kanya ni Renzo. Sandali lamang siya nitong hinalikan noong pagkatapos ng seremonya ng kasal, isang walang buhay na halik. Pero ngayon ay hindi man lang siya nito magawang hawakan kahit magkatabi sila sa kama. Kung tutuusin, dapat nasa honeymoon pa sila. Nahihiya naman siyang magbukas ng usapin tungkol doon, ni hindi nga siya halos kinakausap.
Nakahiga sa kama si Rachell habang katabi si Renzo na nakatalikod sa kanya. Hindi niya napigil ang pangingilid ng kanyang mga luha sa magkabilang pisngi niya. Akala niya magiging okay na ang lahat, pero para pala siyang lumunok ng pagkain na unti-unting lalasunin ang pagkatao niya.
Kinabukasan ay maagang nagising si Rachell at nagluto ng almusal. Ginandahan pa niya ang presentasyon ng pagkain sa plato ni Renzo. Nang mapansin niya ang asawa na nakabihis na ay dagli niya itong hinabol bago pa ito makaalis. Bitbit na nito ang maliit nitong maleta.
“Aalis ka na ba? Mag-almusal ka muna,” aniya.
“Hindi na. Kumain ka na lang mag-isa. Sa office na lang ako kakain. Siya nga pala, huwag ka nang magluto mamayang gabi dahil hindi ako uuwi,” anito.
“Ha? S-Saan ka pupunta?”
“Pupunta ako’ng Maynila para bisitahin ang main branch. Baka aabutin ako ng isang linggo roon. Tinawagan ko na si Tita Esmeralda para dalawin ka rito madalas. Sige,” anito at basta na lamang umalis. Si Esmeralda ang stepmother nito.
Habang unti-unti itong papalayo sa kanya ay parang pinipilas ang puso niya. Pinigil niya ang pagpatak ng kanyang mga luha. Bumalik siya ng kusina ngunit hindi na niya magawang galawin ang pagkain. Tinakpan na lamang niya ang mga iyon para mamaya na niya kakainin kapag may gana na siyang kumain.
Pagkatapos niyang maglinis ng dalawang palapag na bahay ay pumasok na siya sa banyo ng kuwarto nila at naligo. Hindi niya kakayaning manatili sa bahay na iyon maghapon na walang kausap. Mabuti hindi na sya inaatake ng morning sickness. Nakakagawa na siya ng gawaing bahay kahit magagaan lang.
Pagkatapos niyang maligo ay binalot niya ng tuwalya ang katawan saka humarap sa malaking salamin. Namumugto na pala ang mata niya dahil sa kakaiyak mula pa kagabi. Hindi puwedeng palagi siyang ganoon baka mapaano ang anak niya.
Hinaplos na naman niya ang wedding ring na suot niya. Naisip niya, kahit gaano ito kamahal ay wala din pala itong silbi. Hindi naman pala lahat ng ikinasal ay nagiging maligaya. Akala niya noon, kapag nakuha na niya ang pinakagusto niyang lalaki sa mundo ay siya na ang magiging pinakamaligayang babae. Mali pala siya. Kabaliktaran pala iyon ng pantasya niya. Ngayon, pakiramdam niya ay siya ang pinakamalungkot na babae sa mundo. Ngayon alam na niya kung bakit hindi masarap ang bungang hindi hinog sa puno.
Mariing ipinikit niya ang kanyang mga mata habang nakaharap sa salamin. Mamaya’y may mainit na hanging dumampi sa mukha niya. May malamyos na hanging tila may kasamang tinig na bumubulong sa likod ng tainga niya.
Kung ako ang iyong inibig, hindi ka masasaktan, hindi ka luluha. Paliligayahin kita hanggang sa aking huling hininga… wika ng tinig ng lalaki sa likod ng tainga niya.
Bigla siyang dumilat. Luminga-linga siya sa paligid ngunit wala naman siyang kasama. Pero buong-buo ang boses ng lalaki na narinig niya. O baka naman nami-miss na kaagad niya ang kanyang asawa. Hindi na lamang niya pinansin ang mga naririnig niya. Lumabas na siya ng banyo. Ngunit napako ang mga paa niya sa sahig nang mamataan niya ang kama na punung-puno ng sariwang talulot ng pulang rosas. Maging sa sahig ay may nagkalat na talulot. Wala siyang ibang naaamoy kundi ang halimuyak ng rosas. Lumanghap siya ng hangin.
Nagtataka siya. Wala naman ang mga iyon bago siya pumasok sa banyo. Imposible ring gawin iyon ni Renzo, ni hindi nga siya binigyan ng honeymoon. Kasama sa pangarap niya noon na humiga sa kamang puno ng talulot ng rosas pagkatapos niyang maikasal, at sa kamang iyon magaganap ang pinakaasam niyang honeymoon.
Wala siyang pakialam kung sino man ang gumawa niyon sa kama. Naibaling niya ang tingin sa center table na may nakatulos na malaking kandila na kulay pula. May sindi itong apoy. Mamaya’y tila nagkaroon ng sariling buhay ang katawan niya. Humahakbang siya palapit sa kama. Hinubad niya ang tuwalyang nakapulupot sa hubad niyang katawan. Pagkuwa’y humiga siya sa kama na puno ng talulot ng rosas.
Dumampot siya ng talulot saka ikinalat sa kanyang dibdib at puson. Narinig niyang tumugtog ang DVD player, ngunit hindi siya nasindak, sa halip ay gustung-gusto niya ang musika.
♫ Oh, my love, my darling
I've hungered for your touch
A long, lonely time
And time goes by so slowly
And time can do so much
Are you still mine?
I need your love, I need your love
God speed your love to me♫
Damang-dama niya ang kanta, habang hinahaplos ang sariling katawan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sinimulang iniisip na katabi niya si Renzo at mga kamay nito ang humahaplos sa kanyang katawan. Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman niya ang mainit na bagay na humahaplos sa katawan niya. Nang madama niya ang init na iyon sa kanyang puson pababa pa roon sa kanyang kaselanan ay ibinuka niya ang kanyang mga hita. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi nang tila may mainit na kamay na humahaplos sa kanyang p********e. Pakiramdam niya’y hindi lamang basta ilusyon ang nararamdaman niya. Damang-dama niya ang mainit na bagay na iyon na lumalabas-masok sa kanyang puwerta.
Pagkuwa’y buong katawan niya ang uminit. Umigtad siya nang humaplos ang mainit na bagay sa kanyang dibdib. Umindayog ang kanyang katawan.
“Uhhmmmm…” ungol niya.
Mamaya’y nadama na rin niya sa kanyang labi ang mainit na bagay na iyon na tila hinahalikan siya. Maigsi lamang ang kanta pero paulit-ulit ito. Hindi rin tumigil ang mainit na bagay na umaangkin sa katawan niya. Tila may kamay na gumigiya sa mga hita niya na ipaghiwalay pa ang mga iyon. Pagkuwa’y naroroon na naman ang mainit na bagay na tila lumalabas-masok sa kanyang p********e. Habang tumatagal ay nararamdaman niya na buhay ang bagay na iyon na biglang nagpasikip sa kanyang kaselanan. Naramdaman niya ang totoong p*********i na umuulos sa kanya, at nakadama siya ng pamilyar na sensasyon.
Isang minuto pa ang lumipas. Hinaplos niya ang kanyang p********e saka mabilis na minasahe ang kanyang kuntil nang tila umaalburuto ang init sa kanyang katawan. Maya-maya pa’y himalang nakamit niya ang sariling orgasmo.
Nang tumigil ang tugtog ay bumalikwas siya ng bangon. Kinapa niya ang kanyang kaselanan, mamasa-masa iyon. “Damn!” Napamura siya.
Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Nag-iisa lang naman siya roon. Tumayo siya at tumakbo sa palikuran. Pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa salamin. May ga-butil ng mais na pawis sa kanyang noo. Naghilamos siya. Maya’t-maya ang lunok niya habang iniisip ang nangyari sa kanya. Mamaya’y bigla siyang natawa. Kasunod din ng pagtawa niya ay tumulo ang luha niya. Siguro naman ay matatawag na siyang baliw ngayon.
ISANG linggo pa ang lumipas. Inabangan talaga ni Rachell na lumipas ang isang linggo. Pero lampas na sa isang linggo pero hindi pa rin umuuwi si Renzo. Hindi siya nakatiis, tinawagan niya si Mabel.
“Hello! O, ano ka ngayon? Kumusta ang bagong kasal?” bungad sa kanya ni Mabel pagkasagot sa tawag niya.
“Sa palagay mo ba masaya maikasal sa lalaking manhid?” aniya.
Sa lahat na empleyado ni Renzo ay si Mabel lang ang nakakaalam sa totoong nangyari bakit bigla siya pinakasalan ni Renzo. Hindi kasi siya nito tinitigan ng intriga kaya inamin niya rito ang totoong nangyari. Ang alam ng iba ay matagal na silang magkakilala ni Renzo at may lihim na relasyon.
“Sabi ko naman sa iyo, eh, hindi lahat ng gusto mo ay makakabuti sa iyo. Noong hindi pa kayo kasal ay ramdam ko na ang future mo, te. Para kang dumampot ng kutsilyo saka isinaksak sa puso mo. Kung ako sa sitwasyon mo, baka namitas na lang ako ng hinog na kamatis saka ibenta sa merkado, kikita ka pa kahit sintimo, at least barya lang ang problema mo,” makahulugang litanya ni Mabel.
Ito talaga ang nagustuhan niya rito. Lahat ng salitang binibitawan nito ay nakakatama at may malalim na kahulugan.
“Oo na, naging tanga na naman ako. Pero hindi naman ganito ang gusto kong mangyari, eh. Gusto kong mapalapit kay Renzo para mas madali kong makuha ang loob niya. Gusto ko ‘yong unti-unti niya akong magugustuhan,” aniya.
“Ayan. Tapos na, wala ka nang magawa. Pero may latest chika ako,” anito. “matagal din palang nawala noon si Renzo dahil nakulong. Ang sabi ng mga tsismosa rito, sinasapian daw ng masamang espiritu si Renzo. Aywan ko lang kung totoo,” ani Mabel.
Natigilan siya. Hindi lingid sa kaalaman niya ang balitang iyon. Noong nagtatrabaho siya sa Maynila ay sinabi ng mama niya na nakulong si Renzo, pero panandalian lang. Pero hindi siya sigurado kung talagang sinapian ng masamang espiritu si Renzo. Kung ang pagbabasehan niya ay ang nangyari sa kanila sa opisina nito ay mas kumbinsido siya na sinapian noon si Renzo. Pamilyar kasi sa kanya ang kilos nito. Imposible ika niya na may pagnanasa lang sa kanya si Renzo, sino ba siya para pagnasaan nito?
“Huwag ka na lang maniwala sa mga tsismosa. Basta tsismis, walang kasiguruhan iyon,” sabi na lamang niya. “Teka, dumating na ba diyan si Renzo?” pagkuwa’y tanong niya nang maalala ang tunay na pakay kay Mabel.
“Oo, kahapon pa,” sagot naman nito.
May kung anong humilagpos sa dibdib niya. Kung ganoon, bakit hindi pa umuwi sa bahay nila ang lalaking iyon?
“Busy ba siya?” hindi natimping tanong niya.
“Hindi naman. Hindi na nga siya nag-hire ng secretary na pansamantalang papalit sa iyo. Kailan ka ba babalik sa trabaho?”
“Hindi ko pa alam. Tatanungin ko muna si Renzo,” aniya.
“Sige. Tawag ka na lang ulit mamayang gabi, magtatrabaho muna ako.”
“Sige.” Pagkuwa’y pinutol na niya ang linya.
Hindi na mapakali si Rachell. Balak pa naman sana niyang bisitahin ang mga magulang niya pero hindi na siya makaalis. Baka kasi biglang uuwi si Renzo. Hindi rin siya makapagdesisyon kung dadamihan ba niya ang lulutuing hapunan. Baka kasi kapag nagluto siya ay masayang lang kung hindi pa uuwi si Renzo. Nag-aalangan naman siyang tawagan ito.
Pagsapit ng alas-sais ng gabi ay nagluto siya ng adobong atay ng manok na may patatas. Dinamihan na niya para kung hindi man kakain si Renzo ay hindi masasayang ang ulam kahit hindi kaagad maubos. Pero lumipas na naman ang oras ng hapunan wala pa rin ang kanyang asawa. Nauna na siyang kumain.
Alas-diyes na ng gabi pumasok sa kuwarto si Rachell dahil kanina pa siya labas-masok sa bahay sa kakahintay na darating si Renzo. Hihiga na sana siya sa kama nang biglang may humilagpos sa ibaba. Tumayo siya at dagling lumabas. Nagulat siya nang makita si Renzo na pinagbabasag ang mga babasaging kagamitan sa sala. Nahulaan na kaagad niya na lasing ito dahil pasuray-suray ang lakad nito.
Natataranta siya, ninenerbiyos. Kailangan niyang kumalma baka mapaano ang anak niya pero hindi naman niya alam kung paano niya pipigilan si Renzo na hindi siya masasaktan.