Chapter 3

2482 Words
“UGH!” nayayamot na daing ni Renzo habang sinasabunutan ang sarili niyang buhok. Ramdam pa rin niya sa kanyang katawan ang diablong nahimasok sa katawan niya. Tumayo siya at pumasok sa banyo. Hinarap niya ang kanyang sarili sa malaking salamin. Nakita niya sa likod niya ang diablong si Zardum, na minsan na ring ginamit ang kanyang katawan upang makaharap ang ibang diablo na ginamit din ang kanyang katawan. Hindi talaga siya patatahimikin ng mga diablong ito. “What do you want from me, asshole?!” gigil na tanong niya kay Zardum. “Gusto kong kombinsihin kang mahalin ang iyong sarili, Renzo. Kahit anong gawin mong pagtalikod sa realidad ay hindi mo matatakasan ang iyong kapalaran,” sagot naman nito sa likod ng kanyang tainga. Lalo siyang nanggalaiti. “Huwag mo akong pakialaman! Ikaw, isa ka pang diablo na sumira sa buhay ko!” asik niya. “Ikaw ang nagdadala sa iyong sarili, ikaw rin ang responsable sa anumang resulta ng mga ginagawa mo. Inaabuso mo ang iyong katawan, sinisira mo ito,” giit nito. Mariing nagtagis ang kanyang mga ngipin at kumuyom ang kanyang kamao. Aminado siya na marami siyang kasalanan lalo na sa kanyang sarili. Naging alcoholic din siya at minsan nang tumikim ng ipinagbabawal na gamot. Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat, maliban sa buong pamilya at taong lubos na magmamahal sa kanya. Hindi niya nakuha ang babaeng gusto niya-na ginusto niya ng mahabang panahon. Si Zarina, ang matagal na niyang mahal ngunit nagparaya siya kaya napunta ito sa stepbrother niya. Noong namatay sa plane crash ang kapatid niya, inakala niya na makukuha na niya si Zarina ngunit may umapilang lalaki, si Kenji, na nakilala lang nito sa isang isla. He cursed everything around him. Pakiramdam niya’y ayaw sa kanya ng mundo. Simula bata siya, walang nagtitiyagang maging kalaro siya. Ayaw rin sa kanya ng ibang pinsan niya. Tanging ang yumao niyang tiyuhin ang talagang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kanya. Subalit nawala rin ito kaya sinanay niya ang kanyang sarili na tumayo sa sarili niyang mga paa. Noon ay nakatira siya sa puder ng kanyang ama, pero noong namatay ito ay hindi na siya umuuwi sa bahay nito. Naroon naman ang stepmother niya. Upang maaliw ang kanyang sarili, pinalago niya ang kanyang ahensiya. Ito na lamang ang yaman na meron siya. “Pabayaan mo na lang ako, Zardum. Huwag mo na akong guluhin. Sisirain mo lang ang buhay ko,” mahinahon nang sabi niya. “Ginamit ko ang iyong katawan, oo maaring mali pero makakatulong ito upang matuto kang maging responsable at magpahalaga sa simpleng bagay,” wika nito. “Ano’ng pinagsasabi mo? You used me to f**k a woman! You asshole devil was a maniac!” Nag-init na naman ang ulo niya. Tumawa si Zardum sa likod ng tainga niya. “Alam mo ba’ng dumudugo ang ilong ko sa tuwing nag-e-enlis ka? Alam mo namang diablo ako, natural sa katulad ko na gumawa ng masama. Pero gusto kong maranasan mo rin na mayroong nagmamahal sa ‘yo. Nababasa ko ang kalooban ni Rachell at natiyak ko na siya ay umiibig sa ‘yo.” “Kahibangan ‘yan! Wala akong pakialam sa feelings niya! Ayaw ko sa kanya!” asik niya. “Malamang dahil sa galit ka pa rin sa pamilya niya. Ngunit ang iyong galit ay maaring maglaho sa pamamagitan ng pag-ibig.” “Buwisit! Ang pag-ibig ay para lamang sa mga baliw na naniniwala rito!” “Sinasabi mo lamang iyan dahil nabigo ka. Si Rachell, maibibigay niya sa ‘yo ang pagmamahal na matagal mo nang ina3asam.” “Wala akong pakialam sa kanya!” Mamaya ay biglang sumakit ang puson niya. Parang pinipiga ang bitura niya. Malamang ay kagagawan na naman ito ni Zardum. “Bibigyan kita ng sitwasyon na magtuturo sa iyo ng leksiyon,” sabi nito at biglang naglaho ang presensiya nito. Nawala rin ang sakit ng tiyan niya. Pinagpawisan siya nang malamig dahil sa ginawa nito. Hangal talagang diablo.   HINDI makatulog si Rachell. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Renzo. Noon lang niya natanto na parang may mali sa pangyayari. Bagoon ganoon ang inasal ni Renzo pagkatapos na ito ang nagsimulang umakit sa kanya? Habang iniisip niya ang naging reaksiyon ni Renzo ay parang pinipiga ang puso niya. Nang hindi pa rin siya makatulog ay bumangon siya at lumabas sa veranda ng kanyang kuwarto. Lumanghap siya ng sariwang hangin. Maaliwalas sa labas dahil sa buwan at mga bituing pumuno sa kalangitan. Habang lumilipas ang sandali na naroon siya sa veranda ay napapansin niya na unti-unting umiinit ang simoy ng hangin. Kumislot siya nang may hanging dumampi sa katawan niya, isang maalinsangang hangin. Bigla siyang kinilabutan. Nagpasya siyang pumasok muli sa kanyang kuwarto at humiga sa kama. Lalo lamang siyang hindi makatulog. Bumalik sa isip niya ang mainit na senaryong pinagsaluhan nila ni Renzo. Hindi pa rin siya makapaniwala na mangyayari iyon. Gayunpaman ay wala siyang naging hinanakit kay Renzo dahil inaamin niya na ginusto rin niya ang nangyari. Kinabukasan pagpasok ni Rachell sa opisina ay tambak na naman ang kanyang trabaho. May note na iniwan si Renzo na mawawala ito ng ilang araw dahil may aasikasuhain daw ito sa Maynila. Oo nga pala, active police officer ito sa Maynila. Kaya asahan daw na palagi itong wala. Siya ang representative nito sa tuwing may mga meeting na importante. Lunch break ay nakasabay niya si Mabel na kumain sa labas. May suki itong karenderya sa tapat lang ng gusali ng agency. Hindi siya nakapagbaon dahil late na siyang nagising. Busy ang mga magulang niya sa farm sa umaga. Madaling araw pa lamang ay umaalis na ang mga ito. “Kumusta ang first day mo as secretary ng ultimate crush mo?” kinikilig na tanong ni Mabel. Natigilan siya sa pagsubo ng pagkain. Matamang tumitig siya rito. Hindi niya makuhang magbiro dahil sa hindi maipaliwanag na pagkabalisa. “Uhm, stressful pero carry lang. Masasanay rin ako,” sagot niya. “Okay naman ba ang pakikitungo sa ‘yo ni Sir Renzo?” nakangiting usisa nito. “Okay naman,” tipid niyang sagot saka muling kumain. “Maiba ako, pansin ko lately parang ang weird ni boss,” mamaya ay sabi ni Mabel. Curious na tinitigan niya ito. “Paanong weird?” tanong niya. “Hindi na siya masyadong nakikipag-usap sa mga empleyado. Kapag may importante siyang sasabihin, sinusulat na lang niya sa white board sa may lobby o kaya’y ididikit doon ang papel na may sulat niya.” Ang akala naman niya ay talagang ganoon lang si Renzo na sobrang tahimik. Pero okay naman ito noong unang apak niya sa ahensiya nito. Kumibit-balikat siya. “Baka may problema lang o stress,” komento niya. Hindi pa siya handang magkuwento kay Mabel tungkol sa namagitang sekswal sa kanila ni Renzo. Baka kung ano pa ang isipin nito. “Parang palagi naman siyang stress, eh,” ani Mabel. Hindi na siya kumibo. ILANG araw na hindi nakikita ni Rachell si Renzo. Kung darating man ito sa opisina, hindi sila nagpapang-abot dahil busy rin siya. Lahat ng transaksyon niya rito ay sa e-mail na lang. Ito naman ay nag-iiwan lang ng note. Naging abala rin siya sa mga sunud-sunod na meeting na dinaluhan niya related sa kumpanya. Pakiramdam niya ay ang bilis lumipas ng panahon. Hindi niya namamalayan na mahigit isang buwan na siya sa kumpanya ni Renzo. Sa loob ng isang buwan, dalawang beses lang niya ito muling nakita pero hindi sila nakapag-usap nang matagal at may kinalaman lang sa kumpanya. Biyernes ng gabi pag-uwi ni Rachell sa bahay nila ay latang-lata siya. Maghapon kasi siyang babad sa opisina at gumawa ng paperwork. Noong isang araw pa niya dinadamdam ang labis na pananamlay. Madalas din siyang antukin pero nilalabanan niya. Nag-ho bath siya bago nagtungo sa hapag-kainan. Nadatnan niya roon ang kanyang ina na naghahanda ng hapunan nila. Pasado alas-siyete na ng gabi. Hinila niya ang silya sa gawing kaliwa at kaagad na umupo. “Mauna ka nang kumain, anak, hihintayin ko lang ang Papa mo,” sabi ng kanyang ina. “Nasaa po ba si Papa?” matamlay na tanong niya. “Nasa sakahan pa at nagpapasuweldo sa nagtanim ng palay,” tugon ng ginang. “Sige po,” aniya. Iniwan siya ng kanyang ina. Mag-isa siyang kumain. May nilutong nilagang baga ang mama niya at pritong tilapia. Naparami siya ng kain. Masarap kasi ang kanin. Stock pa nila iyon mula sa nakaraang ani. Pagkatapos kumain ay dumeretso siya sa kanyang kuwarto. Nagpalit siya ng puting bestida at tanging panty lang ang panloob na suot niya. In-off niya ang ilaw saka humiga sa kama. Dalawang patong ang unang niya, busog pa kasi siya kaya hindi muna siya humiga nang maayos. Kinuha niya ang kanyang touch screen na cellphone at nagbasa ng fiction stories sa online platform. Mahilig siyang magbasa ng paranormal romance or erotic. Nang bed scene na ang binabasa niya ay hindi niya namamalayan na nadadala siya sa eksena. Inalipin siya ng init at ramdam niya ang pamamasa ng kanyang kaselanan. Naka-focus siya sa kanyang binabasa nang may maalinsangang hangin na dumampi sa kanya. Lalo siyang nadadarang nang tila hinahaplos ng hangin ang kanyang katawan. Napapikit siya nang magupo siya ng kanyang maharot na imahenasyon. Inilagay niya ang kanyang sarili sa binabasang eksena. Ang kanyang pantasya ay idinawit si Renzo. Sumariwa sa kanyang balintataw ang mainit na tagpo sa pagitan nila ni Renzo noon sa opisina nito. Nagulat siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nabitawan pa niya ito. Natatarantang kinapa niya ito at nang mahawakan ay tiningnan niya kung sino ang tumatawag. Tumulin ang t***k ng puso niya nang marinig niya ang pamilyar na boses sa kabilang linya. Aksidenteng napindot na pala niya ang answer key. Nanginginig ang kamay na inilapat niya sa kanyang tainga ang cellphone. “Rachell?” untag ng baritonong boses ng lalaki. “Uh, y-yes, it’s me! S-sino ho kayo?” natatarantang sagot niya. Natanong pa niya ito kahit may kutob na siya na si Renzo ito. Hindi naman kasi niya alam ang numero nito at hindi niya alam kung saan nito nakuha ang contact number niya. “Si Renzo, ‘to. I got your number from your resume,” sagot nito. Sumikdo ang puso niya. “I call just to ask you if nai-send mo na sa  e-mail ko ang updated monthly operational report,” anito. “Uh, kuwan, may kulang pa kaya hindi ko pa na-send. By Monday siguro,” sagot niya. Pilit niyang ikinakalma ang kanyang sarili. “Okay. I need it before month ends. That all, bye,” sabi nito na kaagad pinutol ang linya. Bumuntong hininga siya.   Walang pasok sa opisina si Rachell pero maaga siyang nagising. Bigla kasi siyang sinikmula at sobrang sakit ng ulo niya. Nang bumangon siya ay lalo siyang nahilo. Tumakbo siya sa banyo nang makiramdam niya’y maduduwal siya. Saktong pagdukwang niya sa sink ay dumuwal siya. Nang kumalma ang sikmura niya ay nagmumog siya at naghilamos. Humihilab ang sikmura niya. Naisip niya, baka anemic na siya kaya siya nahihilo. Ilang gabi na rin kasi siyang walang maayos na tulog. Nagtungo siya sa kusina. Naroon ang Mama niya na nagluluto ng almusal. Nang maamoy niya ang ginisang bawang ay umalburuto na naman ang sikmura niya. Tumakbo siya sa lababo at muling dumuwal. “Oh, anak, ano’ng nangyayari sa ‘yo?” nag-aalalang tanong ng kanyang ina. Nilapitan siya nito at hinagod ang likod niya. Duwal pa rin siya nang duwal. Nahihilo siya. Nang tumigil siya sa pagduwal ay iginiya siya ng kanyang ina paupo sa silya. Pinainom siya nito ng tubig. “Okay ka na ba?” tanong nito. “Nahihilo ako, Ma,” sagot niya. “Diyos ko! Baka anemic ka na. Mag-pa-check up ka nga,” anito. Nagpumilit siyang tumayo ngunit nang malapit na siya sa pinto ay bigla siyang inatake ng matinding pagkahilo. Nanilim ang paningin niya. “Rachell!” narinig niyang tawag ng kanyang ina bago siya tuluyang mawalan ng ulirat. MATAPANG na mukha ng kanyang ina ang nabungaran ni Rachell. Namataan niya itong nakatayo sa tabi niya. Nakahiga siya sa kama, sa loob ng kuwartong pulos puti ang kapaligiran. “A-anon’ng nangyari, ‘Ma?” matamlay na tanong niya rito. Namaywang ang kanyang ina. “Akala ko ba wala kang boyfriend, Rachell?” matigas ang tinig na wika ng kanyang ina. Nagtataka siya sa pinagsasabi nito. “Ho? Wala naman po,” aniya. “Wala pero ano’ng ibig sabihin nito?” kastigo nito. Gusto niyang umupo pero nahihilo siya sa tuwing gagalaw siya. “Ano po ang ibig n’yong sabihin?” ‘takang tanong niya. Dinampot nito ang papel sa ibabaw ng mesita at ipinakita sa kanya ang resulta ng test na ginawa sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang markang positive sa pregnancy test. Nangatal ang buong kalamnan niya sa natuklasan. “Sabihin mo sa akin kung sino ang tatay ng ipinagbubuntis mo, Rachell!” galit nang sabi ni Amanda. Tulalang nakatitig siya sa kanyang ina habang nangingilid ang maninipis na luha sa kanyang pisngi. “Magsalita ka!” asik ng ginang. Kumislot siya at napilitang sumagot. “S-si Renzo po,” sagot niya. Nanlaki ang mga mata ni Amanda. “Si Renzo Del Carmen?” gilalas na untag nito. “Opo, pero wala po kaming relasyon. Hindi po niya ako pinilit -” “Tumahimik ka!” pigil nito sa kanyang pagsasalita. Namumula sa galit si Amanda. Kinabahan siya nang walang imik na umalis ang ginang. Malamang ay susugurin nito si Renzo. BAGO tumuloy ng Maynila ay dumaan sa opisina niya si Renzo upang kunin ang mahalagang papeles. Palabas na siya ng opisina nang may maingay sa labas. Kasunod niyon ay ang marahas na pagkatok sa pinto. Binuksan naman niya ang pinto at nagulantang siya nang kaagad siyang sugurin ng ginang. Late na niya itong nakilala nang hindi na ito nagpupumiglas dahil nabitawan na ito ng guwardiya. It was Amanda Aguillon, ang ina ni Rachell. Hindi niya ito makalimutan dahil lumuhod pa ito noon sa kanya para magmakaawa na huwag ipakulong ang asawa nito. Bata pa siya noon pero hindi siya nakalimot. “Ano po ang kailangan ninyo? Mali po na basta kayong pumapasok dito na wala ang pahintulot ko,” matapang na sabi niya. Namumula sa galit ang ginang at dinuduro siya. “Wala akong pakialam! Narito ako para usigin ka sa kawalanghiyaan mo!” asik nito. Naningkit ang mga mata niya. Hindi niya ito maintindihan. “Sorry, hindi ko alam ang sinasabi n’yo,” aniya. “Hindi mo alam? Matapos mong samantalahin ang kahinaan ng anak ko? At ngayong nabuntis na siya, huwag mo sabihing wala kang pakialam!” Napatda siya. Sa dami nang puwedeng maging dahilan ng galit nito ay iyon pa. Nabuntis niya si Rachell! Mariing nagtagis ang bagang niya. Gayunpaman ay pinilit niyang depensahan ang sarili. “Baka ho may boyfriend ang anak ninyo na gumalaw sa kanya,” sabi niya. “Kilala ko anag anak ko, Mr. Del Carmen! Hindi siya naglilihim sa akin. Wala siyang naging boyfriend simula noon at inamin niya na ikaw ang ama ng dinadala niya!” palatak nito. Wala na siyang takas. Bumuntong-hininga siya. Kasalanan ito ni Zardum. “Kung wala kang balak panagutan ang anak ko, magkita tayo sa korte!” sabi pa nito. Nag-panic siya sa sinabi nito. Iyon ang hindi niya hahayaang mangyari. “Huminahon kayo, Mrs. Aguillon. Para sa kaalaman n’yo, hindi ko po pinilit si Rachell. Hindi ko rin-” hindi na niya masabi ang dahilan niya dahil tiyak na hindi siya nito paniniwalaan. “Fine. Sabihin na nating pareho naming ginusto ang nangyari. But we don’t need to argue about it. Susuportahan ko si Rachell at ang bata,” sabi niya. “Suportahan, paano ang reputsyon niya?” Nakuha na niya ang ibig sabihin ng ginang. She needs an marriage agreement. Nag-init ang bunbunan niya pero ayaw na niya ng gulo. Tutal wala na rin naman siyang choice sa buhay. Pera na lang ang libangan niya at trabaho. “Don’t worry, I will marry your daughter as soon as possible,” sabi na lamang niya nang matapos na ang usapan. Natulala ang ginang. Nang wala pa rin itong imik ay iniwan na niya ito. Pinaubaya na niya ito sa guwardiya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD