Chapter 7

2408 Words

NASURPRESA si Rachell sa biglaang pagyakap sa kanya ni Renzo. Pero ano naman ang drama nito na parang mas nagulat pa sa kanya? Dagli itong lumayo sa kanya. Bista na lang siya nitong tinalikuran. Dumeretso na ito sa banyo. Napangiti siya. Naisip niya, baka unti-unti na ring nare-realize ni Renzo na mag-asawa sila at ano mang sandali ay maari siya nitong hawakan. Hindi na masama ang loob niya dahil sa hindi nito pagkain sa inihanda niyang kape at pandesal. Kinain na lang niya ang pandesal na nilagyan niya ng butter. Tumigil siya sa pagsubo ng pandesal nang biglang lumabas ng banyo si Renzo na tanging tuwalya lamang ang sapin sa katawan. Biglang bumara sa lalamunan niya ang pandesal nang makita niya ang nagdikit-dikit na pandesal, este abs sa puson nito. Manghang nakatitig din ito sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD