PAGDATING sa hotel ay deretso na sila sa kuwarto. Nagpa-deliver na lamang sila ng pagkain. Kahit hindi sinasabi ni Zardum ay alam niyang pagod na ito. Nakatulog ito kaagad pagkatapos nilang maghapunan. Hindi na nakapagbihis si Zardum, ni hindi nahubad ang sapatos nito. Habang mahimbing ang tulog nito ay isa-isa niyang hinuhubad ang saplot nito sa katawan. Habang pinapasadahan niya ng tingin ang kahubaran nito ay hindi niya mapigil ang sarili na maiisip si Renzo. Hanggang sa mga sandaling ito ay nawiwindang pa rin siya sa mga nagaganap. Naisip niya, nasaan na kaya si Renzo sa mga sandaling ito? Ang sabi noon ng lola niya, kapag ang isang taong hindi tiyak ang kamatayan o biglaan, hindi raw ito mabibigyan ng maayos na tahanan sa porgaturyo. Magiging lagalag ito sa ibabaw ng lupa. Naniniwa