TULALANG pinagmamasdan ni Rachell si Renzo, habang naglilitanya. Hindi siya makapaniwala na nasasabi nito ang mga katagang iyon. Hindi niya namamalayan na naubos na pala niya ang kape at isa pang saging. Si Renzo pa ang nagligpit ng pinagkainan nila. Nagtataka siya, manipis na blouse lang ang suot niya pero hindi siya giniginaw. Tamang-tama lang ang klima sa kuwarto. Nakatulong ata ang maraming kandila na sinindihan ni Renzo. Pinatay na nito ang ilaw at sinindihan pa ang dalawang malalaking kandila na nakalagay sa wine glass at nakapatong sa ibabaw ng bed side table. Inukupa ng linawag ng apoy ang buong kuwarto. Pagkuwan ay hinubad na niya ang lahat ng saplot niya sa katawan saka pumasok sa banyo. Lumublob siya sa bathtub na may maligamgam na tubig. Mamaya’y pumasok na rin si Renzo na b