NAKATULOG si Rachell pagkatapos nilang maglaba. Nang magising siya ay alas-singko na ng hapon. Bumalikwas siya nga bangon mula sa kama. Sumilip siya sa binatana. Nakita niya si Renzo sa backyard na hinahango ang mga sinampay nila. Bumaba na siya at gumawa ng sandwich na meryenda nila. Pagkatapos ay bumalik siya sa kuwarto upang kunin sana ang kanyang cellphone. Hinahanap niya ito sa drawer ng mesita. Doon lang niya iyon nailagay. Mamaya ay narinig niyang bumukas ang pinto. Kumislot siya sabay lingon sa pinto. Wala naman siyang nakitang anumang pumasok. Imposible namang binuksan lang ng hangin ang pinto. May kabigatan ang pinto kaya imposibleng mabuksan iyon ng hangin. Isa pa, wala namang lulusutan ang hangin roon. Lumapit siya sa pinto at sumilip sa labas, baka ika niya’y nariyan na si