Chapter thirty seven KAE'S POV'S Ngayon ko na ba kailangan ayusin ang sitwasyon naming tatlo nina Jairus at Elis? Dahil sa sinabi ni Jairus sa akin, pakiramdam ko yun na yung sign para magdesisyon sa kung sino ang pipiliin ko sa kanilang dalawa ni Elis. Alam ko nahihirapan na rin sya, ayoko rin pahabain ang ganitong sitwasyon, dahil ayokong umasa ng matagal si Jairus, lalo na't wala akong klarong desisyon para sa aming dalawa "honey?" Pumasok si Elis sa kwarto, nagtutupi ako ng mga natuyong labahin dito sa taas, mga damit lang naman namin nila Elis at Kit to. "bakit?" Wala syang pasok ngayon, ganun din ako, dahil nagkataon na wala ang mga professor ko ngayon araw, pati na rin si Jairus, seminar ulit sa ibang lugar. "may sasabihin ako sayo.." "ano naman?" "tungkol to sa trabaho k