Chapter thirty eight THIRD PERSON'S POV'S Palabas na si Kae sa hospital, lutang ang kanyang utak dahil sa mga nangyare at dahil na rin sa sinabing ng doctor tungkol sa sitwasyon ni Jairus ngayon Masakit tanggapin na nag aagaw buhay ang isa sa mga mahalagang tao sayo, ganun ang sitwasyon ngayon ni Kae Kahit pinapaniwala niya ang iba sa mga pinapakita niya na balewala lang sa kanya ang lahat na wala na sila ni Jairus, kabaliktaran naman nito ang totoong nararamdaman niya Sa iba, madali lang magsinungaling, pero sa sarili natin, hinding hindin natin ito magagawa Takbo lang ng takbo si Kae hanggang sa malapit na syang makalabas ng ospital "Kae?" isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya pero hindi niya ito pinansin Patuloy lang sya sa pagtakbo pero natigilan sya nang hilain ito ni si