Chapter thirty nine KAE'S POV'S Natutulog si Kit sa gilid ng daddy idol niya, habang sina maam Abe at sir Melvin naman nanunuod ng TV dito sa loob ng room ni Jairus, si Jairus naman nakapikit, hindi yan tulog alam ko, kase nakahawak pa sya ng mahigpit kay Kit. "uuwi rin lang ako mamaya Kae.." –Abe "gusto mo bang umuwi muna? Ako na maiiwan dito para magbantay.." suggestion ni sir Melvin Tinignan ko si Jairus, nakamulat na ang dalawang mata niya at nakatingin sa akin, yung tingin na nagsasabing "iiwan mo ko?" yung nagmamakaawang mata Sus kunwari no comment sya sa suggestion ni sir Melvin, ang totoo naman ayaw niyang umalis ako sa tabi niya "sir umuwi na lang din po kayo, ako na bahala dito.." Tinignan ko ulit si Jairus, pumikit ulit, pero nakangiti, ang sarap niya kurutin pero nagpi