Chapter four

1391 Words
Chapter four KAE'S POV'S paglabas na paglabas ko ng bahay, nakita ko si Kit at Jairus na naglalaro, hinahanap ko si Kit kanina pa, pero kasama pala niya si Jairus "mommy love!" sigaw ni Kit saken "goodmorning.." bati ni Jairus  "goodmorning din.." I smiled "Kae can I asked?" "ano yun?" "gaano mo ko kakilala noon?" Hindi kaagad ako nakasagot "hindi kita gaanong kilala.."  "but you have an idea about me right?" "bakit mo tinatanong?" "gusto kong malaman kung..." "kung?" "kung may mahalagang tao akong nakalimutan..." he paused "nevermind, by the way, kamusta ka na?" "huh?" nabigla ako sa tanong niya Kinakamusta niya ako? For what? "sabi mo diba classmate kita dati, so... bawal ba kitang kamustahin?" Ano ba tong naiisip ko "im happy, dahil kay Elis at Kit.." napatingin sya kay Kit, at tinitigan ito "you're a good mother..." "salamat..." Parang hindi ako sanay sa ganito, ibang Jairus ang kaharap ko ngayon, hindi pala, sya si Jake na kilala ng lahat na magiging asawa ni Mika, na bestfriend ng asawa ko. "Kae nanadyan ka ba?" boses ni Elis "nandito ako.." Lumapit sya sa amin "hiramin ko muna asawa ko ah, Kit behave ka lang.." "bakit?" "may importante akong sasabihin sayo.." "at gaano kaimportante yun?" "basta may kasalanan ka saken..." Kinabahan ako, nalaman niya na kaya na si Jairus ang dati kong boyfriend?  Dumiretso kami sa room namin, kinakabahan talaga ako sa mga susunod na sasabihin ni Elis sa akin, baka kung ano ang itanong niya saken, tungkol sa nakaraan ko. "hon?" "Kae..." "ba-bakit?" He stared at me, bumilis agad ang kabog ng dibdib ko nung tumingin sya sa akin, nanginginig ako sa mga susunod na mangyayare, pero nawala lahat ng kaba ko nang biglang "pwede dito muna tayo hon?" he said sweetly "ha?" "I mean, hayyy... gusto ko dito muna tayo tumira sa pinas..." "pero bakit?" "yung company na pinagtratrabahuan ko sa Canada, dito na rin ako inassign nung nalaman nilang nandito ako..." "hindi naman matagal yan diba?" "I don't know, sinabi ko lang kase na magbabakasyon tayo ng isang buwan, but my manager said, dito muna ako at ako ang magasikaso ng ibang transaction dito sa pinas...." "matatagalan tayo dito?" "balak ko naman talaga umuwi after the wedding, pero tinawagan kase ako ng boss ko, so im telling you this problem, baka kase ayaw mo, kase diba noon..." "titira tayo dito.." bakit ang dami kong naiisip, nalaman ko lang na magtatagal kami dito "hindi ko naman kaya na hindi kayo makita ng anak ko habang nagtratrabaho ako dito, please Kae, okay lang ba sayo?" Pero dahil hindi naman sa nakaraan ang sasabihin ng loko loko kong asawa, pinakaba niya pa ako "sure hon, okay lang..." "yes!" he hugged me "bat ba ang saya mo?" tanong ko "makakasama ko kase kayo ni Kit, at isa pa, makikita kong manganak si Mika kung sakali.." tuwang tuwa si Elis nung pumayag ako Sa totoo lang, napilitan lang talaga ako ****** "bat ganyan nanaman ang peys mo? Stress ka ba dahil nasa iisang bubong kayo ni Jai?" "hindi yun ano ka ba, marami lang iniisip.." "isa na doon si Jairus, a.k.a Jake.." "tumigil ka na nga Migz" "sus, ayaw umamin, si Jake na walang malay, si Jake na ang naging kasalanan ay magka amnesia, ayieee..." "anong ayiee ka dyan? pwede ba? tigilan mo na yang panunukso mo sa amin ni Jai..." "okay sabi mo eh..." Oo aaminin ko, naiilang ako, dahil nasa iisang bahay lang kami ni Jairus, hindi ko alam kung bakit ganito parin ang nararamdaman ko, may ilang parin ako sa kanya. Kahit isipin kong nandyan naman si Elis at may kanya kanya na kaming buhay. Naglalakad kami ni Migz, sa isang city dito sa manila, nauuna sya at salita sya ng salita, gusto ko lumabas kaya nandito ako ngayon. Pero... "hhhhmmmmm!" "sssshhhhhh...." May humila sa akin sa isang iskinita malapit sa starbucks, biglang bumilis ang t***k ng puso ko, dahil baka isang mamamatay tao na ang humila sa akin at tinakpan pa ang bibig ko Hindi ko parin nakikita ang mukha niya, gusto kong sumigaw at magpumiglas pero natatakot ako baka bigla niya akong saksakin kapag ginawa ko iyon. Hinila niya ako dahan dahan papasok sa iskinitang iyon. Binitiwan niya ang pagkakatakip niya sa bibig ko, ayoko pang lumingon dahil baka ito na ang huli ko sa mundo "kamusta na?" nang sabihin niya yan tsaka lang ako lumingon "Prince?" He smiled Natuwa ako bigla at nawala ang kaba ko ng makita ko sa harapan ko si Prince "teka bakit-" "wag mo na akong tanungin kung bakit ako nandito at kung bakit kita nakita.." inunahan niya ako "hindi ka parin talaga nagbabago.." sabi ko  "maski naman ikaw, hindi parin.." he smirked "diba?" weird ng pagkakasabi niya "nasaan ang iba? Kasama mo rin ba sila?" "don't worry, maayos silang lahat, nagtatago lang sila dahil sa nangyare noon" "eh ang SPG? Nasaan sila?" "magkakasama sila..." gumaan ulit ang pakiramdam ko, salamat naman at sa loob ng ilang taon na hindi ko nakita ang mga kaibigan ko ay okay parin sila. "wala ka na bang tatanungin?" "si Julian... kamusta sya?" "yan din ang gusto kong sabihin, ipupunta kita sa kanya.." Sumama ako kay Prince, nakatago ang sasakyan niya, malapit lang sa amin, sumakay sya at ganun din ako, nagbavibrate ang phone ko, pagtingin ko si Migz. Hindi ko pinansin iyon, lahat ng atensyon ko ay napunta sa pupuntahan namin. "malayo pa ba?" tanong ko "malapit na..." Pumasok sya sa isang malawak na lugar, kinakabahan ako baka kung saan niya lang ako dalhin, huminto kami at bumaba. "bakit dito tayo?" "sumunod ka na lang.." Sinundan ko sya, naglakad kami ng kaunti malapit sa pinagparkingan namin, huminto sya sa isnag lapida na may nakasulat na. R.I.P JULIAN DERBY MONTECILLO Hindi ko napigilan umiyak, lahat ng alaala niya bumalik bigla, lahat ng masasakit na alaala ng nakaraan ay bumalik, at hindi ko na napigilan ang humagulgol sa iyak "inabutan namin sya na wala ng buhay..." Hindi pala sya nakaligtas talaga, bakit ganun? ang sakit sakit sa pakiramdam, akala ko 100% move on na ako sa mga nangyare noon, pero pag balik ko dito back to zero nanaman. Pinipigilan kong umiyak, para makapag usap kami ni Prince ng maayos "nagkita na kayo diba?" "ha?" "ni Jai..." "pano mo nalaman?" "wag mo na alamin.." "matagal mo na bang alam na buhay sya?" "siguro..." "Prince bat wala akong makuhang matinong sagot sayo? Please naman sagutin mo ko.." "para saan at gusto mong malaman ang lahat tungkol kay Jai? Diba may asawa't anak ka na Kae..."  Nanahimik ako "kahit anong gawin mo, tadhana ang maglalapit sa inyo ni Jairus..." "what do you mean?" "maraming magbabago sa buhay mo ngayon Kae.." "ano bang pinagsasabi mo?" "maraming tao ang nadamay na dahil sa inyong dalawa.." "pwede ba! ipaliwanag mo saken lahat! Wag kang manakot!" "hindi ako nananakot, nagsasabi ako ng totoo..."bigla akong kinilabutan sa mga pinagsasabiniya "hindi kayo dapat magmahal ng iba..." "Prince, tumigil ka na..." "dahil lahat ng bagay may tadhana nang nakalaan.." "sabing tumigil ka na!" "ang nakaraan, hindi mo maiiwasan yan Kae, kahit saang lupalop ka pa pumunta" "aalis na ako..." Nainis ako bigla, ayokong maulit uli ang nakaraan, ayokong may madamay, lalong lalo na si Kit, sila mama, ang asawa ko, ayoko na, ayokong mawala sila. Dahil sa sinabing iyon ni Prince natakot ako, nab aka may mangyareng masama sa pamilya ko. Iniwan ko sya sa may sementeryo, lumabas ako at naglakad hanggang sa makakita ako ng taxi, sana hindi ko na lang sinundan, sana hindi ko na lang sya kinausap Gumulo bigla ang isipan ko. Natatakot ako para sa anak ko. Umuwi ako sa bahay ng balisa, saktong naabutan ko si Migz doon na nakaupo kasama si Elis, sinalubong nila akong dalawa "okay ka lang? saan ka galing?" alalang tanong ni Elis sa akin "oy Kae, wag kang ganyan, kinabahan ako bigla kang nawala..." "may kinausap lang akong kaibigan ko, hindi na ako nakapagpaalam sayo"tukoy ko kay Migz "kase hinila hila niya ako..." pagdadahilan ko Nagtaka si Migz sa sinabi ko "pasok muna ako ah, inaantok ako.." Naluluha ako, dahil natatakot ako, sa mga sinabi ni Prince sa akin, nagkulong ako ng ilang oras sa kwarto ko, hindi naman na nila ako ginulo o tinanong pang muli Lumabas ako, saktong walang tao, naghanap ako ng malapit na lugar kung saan mahangin. Isang malawak na bakanteng lote ang nahanap ko, malilim doon, gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko dito "BAKIT!!" sigaw ko "BAKIT KA PA BUMALIK!!!!" "BAKIT HINDI NIYO KO TINATANTANAN!!!!" "BAKIT!!!" "AYOKO NA SA NAKARAAN!!!, TAMA NA PLEASEEE!!!" Kahit mapiyok ako sa kasisigaw basta mailabas ko lang ang sakit sa loob ko, ang hirap pigilan kapag may nararamdaman kang gusto mong ilabas, wala rin akong malapitan para sabihan ng problema ko Sabihan tungkol dito sa nararamdaman ko. Gusto kong alisin ang nararamdaman kong to, ang nararamdaman kong lungkot sa puso ko, pero bakit ayaw maalis "Kae?" nilingon ko yung nagsalita "bakit ka nandito?" "I heard you crying, are you okay?" Nainis ako ng makita ko si jairus "kasalanan mo lahat..." Hindi sya nakapagsalita "kasalanan mo.." I cried again "bakit sa dinami dami ng tao ikaw pa, kasalanan mo bakit nakilala pa kitaaaa!" Lumapit sya sa akin to comfort me, pero tinulak ko sya "kasalanan mo!!!" "umalis ka sa harapan ko, ayaw kitang makita..." Hindi sya umiimik, mukang naguguluan sya sa sinasbai ko "UMALIS KA!!!! Umalis ka!" tinutulak ko sya palayo Ayoko na, suko na ako sa nararamdaman ko.... Bumalik lahat ng sakit sa puso ko... Ayoko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD