Chapter three
MIGZ POV'S
"mommy love!!"
Nako si Kit hindi ko napansin na tumakbo doon sa kanila, pero maganda na rin yun, para may mag interrupt sa conversation nilang apat, ang intense eh.
Binuhat ni Elis si Kit
"yes baby?"
"im hungry.."
"gutom nap ala si Kit, kumain na tayo.." sabi naman ni Mika
Nakayakap lang si Kit sa papa niya habang, what? Papunta silang apat dito sa table ko? dito sila uupo ganun? pati si jairus dito din?
Baka mamukhaan ako ni Jairus, dati pa man din niya akong crush
Ay oo nga pala, hindi pala niya naaalala ang nakaraan niya, kaya imposibleng makilala niya ako, hahaha... agawin ko kaya? Tsaka ko ibigay ulet kay Kae?
JOKE!
"Mika si Maya, kaibigan ko.." pakilala ni Kae sa akin
"Helloo..."bati ni Mika sa akin
Nakipagshake hands lang ako sa kanya, pero nung si Jairus na ang ipapakilala niya, biglang tumahimik si Kae at tumingin sa akin, mukang pahiwatig ng titig niyang iyon na.
wag nang ungkatin ang nakaraan at magpakilala lang ako kung ano ako ngayon, I smiled and offered my hand to Jai "Maya.." sabi ko..
"Jake.." sagot naman niya
Grabe ah, first time ko atang mangitian ni Jairus, pero nakakailang lang, Jake na sya? Hindi ako sanay, mas gugustuhin ko pa yung dating sya.
Masungit.
Hindi pala ngiti
Yan ang Jairus na nakilala ko, pero ngayon, nasa katauhan na sya ni Jake, mukang malaki ang pinagbago niya, binago sya ng mapapangasawa niya na si Mika.
Hindi sila bagay hmmmppp.!
Nakiupo na nga sila Mika at Jairus sa amin, ayoko syang tawaging Jake dahil sya naman talaga si Jai, sya talaga!
May mga pagkain sa table namin, katabi ko si Kae, pero kinublit ko sya at hinila "Kae kuha pa tayo ng pagkain..." aya ko sa kanya
"huh?"
Pero dahil sa sensyas ng magaganda kong mata mukhang nagets niya ang gusto kong ipahiwatig, tumayo kaming dalawa, naiwan yung apat doon sa table.
Pumunta kami sa may catering, kunwari kumukuha kami ng foods "oh anon a?" tanong ko
"anong ano na?"
"nandyan yung ex mo nandyan yung nanakit sayo, nandyan yung taong minahal mo ng-"
"Migz, matagal nay un, may kanya kanya na kaming buhay, tignan mo nga sya.." nilingon ko saglit si Jai "masaya na sya diba? at masaya na rin ako sa asawa at anak ko, kaya Migz kung ako sayo, tama na ha? Im already move on.."
Sa mukha ni Kae, sa pananalita niya, mukang wala na talaga, pero kase, ako nasasayangan eh, bakit ganun noh?
"hay bahala ka Kae..."
"tara na, baka hinihintay na tayo dun.." she smiled na parang naeexcite na puntahan ang mag ama niya
May dala kaming foods, at pagbalik namin sa table namin, wala na si Mika at Elis doon.
OH MEAN!
Si Jairus na sinusubuan si Kit ang naiwan, napansin ko tong kasama ko na nakatingin sa kanilang dalawa at tumigil sya saglit, pero dumiretso parin sya sa pagpunta sa table
"tito idol this! I want this!!"
"are you sure?"
"yup!"
Aba may tawag na kaagad si Kit sa kanya? Tito idol? "wow ah close na sila.." bigla ko na lang nasabi, pero parang ang awkward ng feelings ko nung sinabi ko yun
Buti at wala yung dalawa, si Mika at Elis.
"anak, ang dungis mo na.." lumapit naman si Kae sa anak niya
Magkatabi po si Jairus at si Kit, tapos lumapit pa si Kae, sana sila na lang noh? Ang ganda nila pagmasdan.
"you need too wash your hand ha?"
"but mommy love? Tito idol and me are eating pa eh..."
"Kit, sundin mo na lang si mommy.."
Napatingin si Kae kay Jairus ng sabihin niya yun, at napatingin din si Jai sa kanya, that titigan moment, grabe gandang moment nun, pero ngumiti lang si Jairus at umiwas naman ng tingin si Kae
"punta tayo sa washroom ha?"
"I don't wanna.."
"Kit wag matigas ang ulo, halika na.."
"can I go back to tito idol after this?"
"sure.."
Binuhat ni Kae si Kit, mukang hirap yung nanay na magbuhat dahil malusog ang anak, malapit lang naman ang washroom, nasa tabi lang naman.
Napansin ko na tumayo din si Jairus at sinundan silang dalawa, sa kanila lang naka focus ang paningin ko, pano ba naman kase, bat sumunod si Jai?
Malayo sila sa akin, si jairus naman kinakausap si Kae at kinukuha si Kit, wow gentleman Jairus, sya ang nagbuhat kay Kit habang pinupunasan ni Kae si Kit.
Super happy siguro ni Kae kung si jairus ang nakatuluyan niya
Sa nakikita ko ngayon na buhat buhat ni Jairus si Kit at taga punas si Ka eng anak niya, ang sweet sweet nila, pero dahil wala namang naaalala si Jai, syempre
Hindi niya malalaman na si Kae ang first love niya.
"nandito pala kayo.." bigla naman sumulpot si Mika sa kanila
Kahit mabait si Mika parang gustong gusto ko syang mawala? Hahaha, sama ko talaga.
Nuhat buhat parin ni Jairus si Kit habang papunta sila dito, pagkadating nila dito, umalis naman kaagad si Mika at Jai, hinila ni Mika si Jairus eh, hay epal. Hmmp.!
"sasama ka?" tanong saken ni Kae
"saan?"
"punta ako sa kwarto bibihisan ko lang si Kit, basa na yung damit niya..."
"sige sama me!"
Eto na nga, malaki ang house nila Mika, papunta kami sa kwarto nila Kae, habang binibihisan naman ni Kae si Kit nag umpisa nanaman akong magtanong sa kanya
"kae pano kung bumalik ang alaala ni Jai?" out of nowhere kong tanong
"okay lang.."
"anong okay lang? alam nab a ni Elis na si jairus ang firt and forever love mo noon?"
"mommy love? Sino si jairus?" sumabat naman si Kit
"a friend Kit, alis mo na tong short mo bilis, bibihisan ka na ni mommy love.." pero habang nagsasalita si Kae
Tinitigan nanaman ako, hudyat yun para manahimik na ako kakwekwento kay Jairus, baka kase kung ano pa ang masabi ko, past is past na nga talaga para kay Kae.
"mommy love can I go na?" paalam ni Kit sa kanya
"sige.."
Lumabas na rin ang makulit na anak ni Kae "walang alam ang asawa kon tungkol kay Jairus.." biglang sabi ni Kae nung makalabas na si Kit
"so you mean hindi alam ni Elis an naging kayo ng mapapangasawa ng kaibigan niya?"
"ganun na nga,..."
"ang laki ng binago niya noh? Mas gusto ko parin ang Jairus noon.."
"mukang malabo na bumalik ang Jairus noon, dahil ikakasal na sya at magkakapamilya na sya, sinabi niya nga kanina na mas gusto niya ang pangalan niyang Jake..."
"may isa lang akong tanong Kae.."
"ano yun?"
"ngayong nakita mo ulit sya after how many years, anong naramdaman mo?"
Matagal syang hindi sumagot "syempre natuwa kase buhay pala sya, yun lang..."
"wala bang alam mo na? spark? Mga ganun ba?"
"kung si Elis ang makikita ko lagi akong na iinlove sa kanya, pero kay Jairus, wala na talaga Migz, wala..."
"sabi mo eh, hmmpp... tara na nga.." lumabas na kami
Pero hindi parin ako naniniwala kay Kae, pero parang wala na talaga, hay ewan, ano ba? bat ba ako nakikialam sa mga feelings nila, eh may kanya kanya na silang pamilya
"woooohooo!!"
"sweet ni Jake.."
"para kay Mika!!"
"AYIIIIEEEE!!!!"
Kantsawan at hiyawan ang narinig namin nang makalabas kami ni Kae, binilisan namin kaagad ang lakad hanggang sa makarating kami sa malapit sa mini stage
Kumakanta si Jairus
"I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only, one and only"
"AYIIIEE kinikilig si Mika.."sigaw nung isa
Nanunuod lang si Kae na parang maynagtatanghal sa harapan, parang hindi yung ex niya yung pinapanuod niya, ang tagal tagal na kase ng panahon, talaga bang move on na sya?
"I'll take one step away
But I find myself coming back to you" naramdaman niya atang may nakatingin sa kanya kaya napatingin sya sa akin at saktong "My one and only, one and only you..."
Biglang napatingin si Jairus sa pwesto namin nung last lyrics na, WAAAAAHHH!!! Para saken bay un?
Pagkatapos nun ay nagpalakpakan na ang lahat, umakyat si Mika sa stage at niyakap si Jairus ng mahigpit sabay "AYIIEEE!!" hinalikan niya ito sa lips.
Pagkatapos ng eksenang yun back to normal again
Hindi na namin kasama sina Jairus at Mika sa table, may hiwalay na silang table, at sila lang naman ang lagi kong tinitignan, gustong gusto ko man silang paghiwalayin kaso
Wala akong sa posisyon
May sumingit na music, biglang naging love song, pumunta sa gitna sila Jairus at Mika para sumayaw, sumunod din ang mga ibang couples.
"tara?" aya ni Elis kay Kae
Hindi naman tumanggi si Kae, again, ako ang mag aalaga kay Kit at magbabantay, buti na lang at busy ulit sya maglaro ng tablet niya.
Naglalakad na ngayon si Elis at Kae, at talaga tumabi pa sila kanila Mika at Jairus.
Sakit nila sa ulo, alam niyo yun? Kahit ilang taon na, bat ako hindi maka move on? Ako na lang ang naiiwan na hindi pa nakakamove on, si Kae wala na sa kanya eh
Mukang wala ng epekto si Jairus sa kanya eh.
Ilang minutes din ang sayawan "change partner!" may sumigaw
Napalingon ako, lahat sila sumasayaw na, si Mika at Elis na ang magkasayaw ngayon, pero yung partner nila kanina na sila kae at jai, mukang nagkakahiyaan ata?
Ano daw? Tama ba? change partner?
AYIEEEEEE!!!
And nagchange ang music biglang naging
You And Me by: LifeHouse
"What day is it? And in what month?
This clock never seemed so alive
I can't keep up and I can't back down
I've been losing so much time"
Inaya ni Jairus si Kae na sumayaw, hindi naman sya tumanggi, at boom! Magkahawak na ang kamay nila at sumasayaw sa agos ng musika
"Cause it's you and me and all of the people with nothing to do, nothing to lose
And it's you and me and all of the people
And I don't know why I can't keep my eyes off of you"
"All of the things that I want to say just aren't coming out right
I'm tripping on words
You got my head spinning
I don't know where to go from here"
Hindi ko napapansin na nagsasalita silang dalawa, pero nakatingin silang dalawa sa isat isa, at si Jairus, nakangiti lang sa kanya.
Jairus bumalik ka na sa dati pleaseeeee.
"Cause it's you and me and all of the people with nothing to do, nothing to prove
And it's you and me and all of the people
And I don't know why I can't keep my eyes off of you"
Sana sa mga susunod na mangyare dito ay bumalik na sa dati si Jairus, yun bang masungit na Jai at maalala niya na si Kae...
Hayyyy.... Sana nga.....
Magkatotoo lahat ng iniimagine kong to..