Agad bumungad ay sakin si Mika pag pasok ko sa bahay niya. "Aika! Bakit mo naman pinutol yung tawag ha?! Akala ko ano ng nangyari sayo!" hysterical na sabi niya. Huminga lang ako ng malalim at naglakad paupo sa couch niya. "M-Mika sabi ni Louie, kasama iyon sa plano kaya ganon.." "Anong kasama? So pati ito kasama din sa plano?" padabog niyang kinuha ang phone niya sa table at inabot sakin. "Scripted pati yan?" napalunok ako sa pinakita niya. Si Louie. Hindi kita ang mukha niya pero likod palang niya ay kabisado ko na. Nakatalikod siya habang nakahalik kay Molina. Parang sumakit ang puso ko doon. Kahit naman sinong makakita sa picture na yon iisipin talagang nagkiss sila, dagdag mo pa na halatang nakangiti si Molina dahil nahalata ang pag angat ng cheekbones niya. "Scripted yan?" sark