Its been one week since na discharge si mama sa ospital. Sobrang pasalamat kami nang malamang wala siyang malalang sakit, yung nakitang patubong sakit sa utak niya ay naagapan daw agad dahil sa pag gagamot ng mga doktor. I-maintain lang daw ang pag inom niya ng gamot. Tapos na ang problema kay mama kay Louie naman ngayon. Lagi siyang tumatawag at nagtetext sakin last week pero sabi niya noong isang araw may mission daw siyang gagawin. Hindi niya sinabi sakin kung ano yon. Gusto kong itanong kung anong plano niya sa engagement party na gagawinsa kanila ni Molina. Lunes ngayon at sa huwebes na magaganap ang engagement nila. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Babalik ba ulit ako doon para pigilan sila? Mayroon kasi sa isip ko na baka magmukha lang akong pathetic doon na pipigil sa party