Nagising ako sa isang malamig na lugar. Sobrang lamig. Unti unti kong binuksan ang mata ko at una kong nakita ay ang puti at umuusok na paligid. Agad akong nataranta at nilibot ang tingin kung nasaan ako. Nasa isang malaking glass container ako na nababalot ng lamig sa paligid, walang anomang yelo pero parang may air-con sa loob kaya umuusok ang mga gilid. Ito ang container kung saan nilalagay ang mga kung anong hayop sa zoo, bakit nila ako nilalagay dito? Gusto ba nila akong mamatay sa lamig? Kinalampag ko ang pintuan nito nang makita ko ang mga lalaking amerikano na nag uusap at napatigil nang mapayingin sakin. Nakita ko ang ilan sa kanilang ngumisi at may sinabi na hindi ko marinig. May lumapit sa pintuan at binuksan ito. Pagkabukas ay mabilis nilang hinawakan ang dalawang braso ko a