Kasabay ng putok ng baril nayon ang paghila sakin ni Louie at pagtulak niya ng malakas sa lalaking tinawag niya sa phone ng Malcom. Napatakip nalang ako ng bibig nang makita kong duguan ang tagiliran nito. Bago pa ako makaalma ay hinila na ako ni Louie at tumakbo palayo doon. Nakita ko si Shin na may hawak na baril at palagay ko siya ang sumigaw kanina at siya rin ang bumaril sa Malcom na yon. Nang makatigil kami sa pagtakbo ay mabilis kinapa ni Louie ang mukha ko at hinarap ito sa kanya. Nakita ko ang pag aalala at takot sa mga mata niya. "A-Are you okay?" naiiyak akong tumango. Tumiim ang bagang niya nang titigan ang mukha ko. Mahigpit niya akong niyakap at hinalikan sa noo. Sumubsob ako sa dibdib niya at parang ngayon lang yata ako nakahinga ng maayos ngayong nasa tabi ko siya. Kanin