Message 4

1287 Words
Namulat ako sa ingay na narinig ko. Mga sunod sunod na katok sa pinto. "Aika? Papasok ako ha?" narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya agad akong umupo at sumandal sa headboard ng kama. "Ayos ka na ba?" sinapo niya ang noo ko at pati ang leeg ko. Tumango ako at ngumiti. "You still have a fever." parang problemado niyang sabi. "I have class, can you take care of yourself?" mabilis akong tumango. "Oo naman. Wag mo akong abalahin, nagpapasalamat na nga ako sa pag papatira mo sakin dito hindi mo na ako kailangan alagaan pa." tumango din ito at inabot ang phone ko at nakita kong bukas ang screen nito. "Chinarged mo?" "Yeah. Daming missed calls and messages." kinuha ko ito at nilapag sa hita ko. "Papasok muna ako. Naghanda ako ng breakfast sa kusina nandoon nadin ang gamot mo. Kung may kailangan ka tumawag ka lang sa staff nila. Ayun yung list at details. Ikaw na bahala." tinuro niya sakin ang isang manipis na libro na naglalaman yata ng patungkol sa hotel. "Salamat Shin." sincere na sabi ko. "Its alright." ngiting sabi nito. "You're falling for me already. I can feel it." bumagsak ang ngiti ko at umiling. Ano pa nga bang masasabi ko? Ugali na niya yan. "Sisingilin rin naman kita balang araw kaya no need to thank me." cool na sabi niya at humawak sa doorknob. "Im going. Bye." sabi nito bago sinara ang pinto. Aalis talaga ako ngayon. Hahanapin ko si Louie. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang oras. 8:45 am. Madami ang missed calls nila Mica. Nagbukas ako ng messenger at nakita ko ang mga messages nila. Mika Navaez Active 16 Hours Ago Beshy sorry na! Babalik naman daw si Roger ngayon diyan sa Washington. Susunduin ka nalang niya. Saan kaba nagstay? Sa suite ba ni Louie? Hindi mo sinasagot ang tawag namin. Mahal ang international calls noh. Binigay ko na sa pinsan ko ang phone number mo tatawagan ka nalang siya. Sorry. Muah. Annett Ramirez Active 16 Hours Ago Natuloy ka sa suite ni Louie? Tinawagan ko si Ayesha hindi na daw siya diyan mag iistay. Yung babaeng aso nalang ang nasa suite niya. Nasa FBI Academy daw siya dahil umpisa na ng training niya. Puntahan mo doon. Goodluck girl :) Agad akong naalarma sa chat ni Annett at saglit natigilan. FBI Academy? Ibig sabihin talagang tinuloy niya ang pangarap niya para maging FBI? Mabilis akong tumayo at napahawak ako sa pader nang makaramdam ako ng hilo. Hinipo ko ang leeg at noo ko. Medyo nga mainit. Pero malayo naman ito sa bituka kaya balewala lang. Kumain ako at uminom ng gamot pagkatapos ay naligo. Paglabas ko ay ramdam ko ang normal na init ng summer pero hindi naman sobrang init tulad sa Pilipinas. Tama lang. Mabilis akong lumabas ng hotel at pumara ng taxi. "FBI Academy sir." sabi ko doon sa driver. Tumingin muna ito ng matagal sakin bago pinaandar ang sasakyan. "You're a traineee in FBI?" mabilis akong umiling. "No. Im just going to visit my.. friend." alanganing sagot ko. Hindi narin siya nagtanong at nag drive. Tumingin lang ako ng mga tanawin sa labas at sobrang ganda ng mga building at mga bahay dito. Sarap naman tumira dito forever. Napangiti ako nang makakita pa ako ng mga foreigner. Pag ni-reject mo ako Louie, maghahanap ako ng foreigner. Akala mo ah. Tumigil ang taxi sa isang malaking School. Wow. Nagbayad ako at tulalang bumaba. Sa labas palang makikita mo na ang mga nag tetraining sa pag sabay sabay sa takbo na parang mga sundalo sa isang napakalaking field. Lumapit ako sa dalawang guard doon. "Excuse me?" pukaw ko. "Yes? Honey what can I do for you?" sabi nito sabay ngiti. Bahagya akong namangha sa blue na mga mata nito. Pati guard dito gwapo? Parang ang sarap sigurong mag aral dito. "Cut it out dck ass!" sabi ng isang guard. "Sorry he's not a guard, he's just a trainee." agad akong tumango at tumingin doon sa isang guard na nagsalita. Paano ba mag enrol dito? Andaminng gwapo. Lihim akong napangiti. "So are you going to tour or visit someone inside?" cool na sabi nito. Kuminang ang mata ko at wala sa sariling tumango. Humalakhak ito sa naging sagot ko. "Which one of the two?" nakangiting sabi niya. Hindi ko alam kung bakit sobrang gwapo niya sa paningin ko. Siguro dahil kamukha siya ng idol ko na si Channing Tatum. Teka--Ang harot mo talaga Aika! Huminga ako ng malalim at nagseryoso. Nakalimutan ko ang pinunta ko dito, dami kasing tukso. "Im going to visit someone. How can I get inside?" tanong ko ng hindi na ngumingiti. Seryoso na ako. "You need to get a visitor pass there." sabay turo niya sa kabilang side kung saan may isang pulis na nagbabantay. "Do you want me to escort you?" tanong niya. "I-Is that okay? Youre a.." mabilis itong umiling. "No. Im not in-charged here. Im actually a coach, my friend just went out to get his things but I think he can manage." tukoy niya sa lalaki kanina at tinapik ito ng malakas sa batok. "Right kid?" "Aw! Yes!" ngumisi ito at lumingon sakin. "Let's go." sumunod lang ako sa kanya at siya na ang kumausap sa guard kanina. Napagkamalan pa nga akong girlfriend ng pulis na nagbigay ng visitor pass ko. Pagpasok namin halos malaglag ang panga ko sa sobrang laki ng Academy nila. Ang cool. Ganito pala kapag school ng mga magpupulis.  "Im Evans. You are?" nakangiting sambit nito. "Aika. Nice to meet you." nginitian ko din siya pabalik. "So are you going to visit your friend? brother? cousin?" nahihiya akong umiling. Bibisitahin ko first love ko. Sabihin ko sana, kaso baka tawanan niya lang ako. "Yes. A friend of mine." tipid na sabi ko. Naglakad kami sa courtyard at nadaanan pa namin ang sinasabi nilang twin tower na nakalagay sa gitna ng pentagon. Napangiti ako at nilingon siya. "Can I take a picture of it?" tanong ko. Lumingon muna siya sa paligid at saka tumango. "Make it fast." he mouthed. Mabilis ko itong kinunan ng picture at nginitian siya. Pakiramdam ko kasi prohibited ang mga phones dito. Pumunta kami sa information center at bumungad sakin ang mga trainee na nakatambay at nag uusap. Karamihan pa nga ay mga lalaki. Trainee daw ang tawag sa kanilang lahat at hindi mga estudyante. Iyon daw kasi ang mas kilalang tawag sa mga mag FBI sa kanila. "Hey Evans!" bati ng isang babaeng officer. Wow. Ang ganda niya. "Hi! How can I help you?" saglit akong napatitig sa mukha niya dahil ang ganda niya talaga. Maputi siya at blonde ang buhok na naka ponytail. "She's cute!" komento niya. Natauhan ako sa sinabi nito at nahihiyang ngumiti. "Uhm.. Hi?" bati ko. "She's going to visit her friend Bria." agad akong tumango at ngumiti. "Yeah? So what is your friend's name?" sabi nito sabay kuha ng libro at binuklat ito. "Uh.. Louie Zico Ramirez." natigilan siya sa pagbuklat at takang tumingin sakin. Ayoko ng tingin nayon, para kasing may naiisip akong hindi maganda tungkol kay Louie. "You are his friend?!" napapikit ako sa sabay na tanong nila. Sabi na nga ba. "That badass trainee?" tanong ni Evans "Cut it Evans. He's a hottie associated senior leader." nakangiting sambit nito. "Never thought he has a girl friend. He's not close to everyone here. So unsociable." nakairap na sabi nito. Napalunok ako sa sinabi niyang 'girl friend', sa tagalog kaibigang babae. Wag kang assuming diyan Aika. "Can I visit him?" agad siyang tumango. "Probably he's in the FBI Crime Unit or in the training room. Evans, take care of her." nginitian ko pa ulit siya at nagpasalamat. Sa wakas, makikita ko nadin siya. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD