Message 5

1095 Words
Pumunta kami sa training room at pagkakita namin doon ay wala siya. "Oh. He's not here." sinara niya ang pinto at pumunta kami sa field muna dahil nakita daw niya ito kanina doon. Kinakabahan ako at hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagkaharap na kami. Kanina parin tanong ng tanong si Evans patungkol kay Louie. Kung paano daw kami naging magkaibigan. Parang malaking rebelasyon yun para sa kanya. "He hate girls, I saw how cold he is whenever someone try to get his attention. Everyone said that maybe he's gay." muntik na akong matawa sa sinabi niya. "He's a good friend." tipid lang na sagot ko. Ayoko ng magkwento pa at baka mauwi lang sa drama ang kwento ko sa kanya. "How about you? How did you know him?" pag iiba ko ng tanong. "Well, everyone knows him the first time he got here two years ago." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "He just punched the Associate Deputy Director of FBI that made him famous. Can't blame that man, the Director was reviling him because of her father." saglit itong tumingin sakin. "Did you know? His father was a former Deputy Chief of Staff, he's quite famous in this field." dahan dahan akong tumango. "I met his father. He's a good man." tumaas ang kilay niya at nakita ko ang paghanga sa mata niya. "That's quite impressive." komento nito at nagpatuloy sa kwento. "The Deputy director really hates his father, and for receiving a punch from his son? That was a big blow. Then starting from that day everybody got an eye on him. He is always involved in any fight, battlefield or training. Everyone wants to beat his ass." napahigpit ako ng kapit sa bag ko. Kung iisipin ko kung paano siya nakikipagaway, baka hindi ko kayanin kapag nalaman ko ang kalagayan niya dito sa loob ng dalawang taon. Hindi ko alam kung bakit ayos lang sa kanyang laging nadadawit sa gulo. Pwede naman siyang mag aral at mamuhay dito ng tahimik. Basagulo talaga ang isang iyon. "But you know what? I noticed something about him." lumiko kami para pumunta na sa field. Medyo malayo kasi ang training room nila sa field. "What do you mean by that?" tanong ko. "He's emotionless. I never saw him smiled. Whenever he got into fight, wounded or not he doesn't care at all. He looks messed up." kibit balikat na sabi nito. Sa mga kwento niya mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob para makita siya. Gusto ko ng malaman ang naging buhay niya dito. Ilang sandali pa at nakarating na kami sa field. Malaki ito at sa dulo pa ang bandang bench kung saan niya daw nakita si Louie kanina. Naiilang din ako sa mga ilang mga nagtetraining na napapatingin sa amin kapag dumadaan kami sa harap nila. Ngumingisi lang si Evans at may mga sinisigaw. Hindi ko naman iyon pinapansin dahil bukod sa gusto ko na siyang makita. Masakit ang paa ko. Mahirap pala mag heels sa damuhan. Sakit lang. "Are we almost there?" tanong ko. "Were here." tumigil kami sa isang mahabang bench. "There he is." sabay turo niya sa isang lalaking naka shirt ng gray at naka loose jeans na halatang uniporme nila sa training. Likod palang niya masasabi ko ng tumangkad siya. "So.. I better leave now.." nginitian ko si Evans at nagpasalamat. "Thank you very much, Evans. I owe you for this." tumango siya at naglakad paalis. Humarap muli ako sa nakatalikod na si Louie. Ang pag banggit lang ng pangalan niya ay parang ang hirap na ngayong nakikita ko na siya. Kinagat ko ang labi ko at dahan dahan lumapit sa kanya. "L-Louie.." mahina lang iyon pero alam kong sapat na para marinig niya. Alam kong bahagyang nanigas ang dalawang balikat nito at unti-unting humarap sakin. Salubong ang dalawang kilay niya at naka igting ang hubog niyang panga. Halos manlamig ako sa pagkakatitig niya sakin. "Why are you here?" mas malamig pa yata sa yelo ang boses niya. Wala naman gaanong pinagbago ang mukha niya, lalo lang nag mature at lalong bumagay sa katawan niya. Ngayon ko lang napansin, ang sexy niya pala sa simpleng gray shirt na suot niya. Namiss ko siya. Humakbang ako papalapit sa kanya. Ramdam ko pa ang sakit ng paa ko pero nanatili lang ang tingin ko sa kanya "H-Hi." nauutal na bati ko. Umurong yata ang dila ko sa sobrang dami kong gustong sabihin. Nakita ko kung paano niya suriin ang suot kong damit at umigting ang panga niya nang umangat muli ang tingin sakin. Pumikit siya at huminga ng malalim. Bigla nalang itong tumalikod at naglakad palayo. Para akong sinampal sa pagtalikod niya. No. Kailangan ko siyang makausap, matagal kong hinintay ang chance na ito. Hindi pwedeng talikuran nalang niya ako ng ganon nalang. Nakita ko ang malalaking hakbang niya, dahilan para bumilis siyang maglakad papalayo. Naiiyak ako dahil sa ginawa niyang pagtalikod. Ayoko ng ganon siya. Ayokong makitang tinatalikuran niya ako. Bago pa siya makalayo ay hinabol ko siya, wala na akong pakialam kung may mga tumitingin sa amin. Siguro papagalitan niya ako sa ginagawa ko pero gusto ko siyang makausap. "Louie--Ah!" agad akong napapikit nang napatid ako sa isang bato dahilan para tumama ang tuhod ko sa isang bato. Hindi ko ininda ang tuhod ko, mas masakit yung paa ko dahil pakiramdam ko ay napilayan dahil sa pagkakatalisod ko. Kinagat ko ang labi ko at hinawakan ang bandang paa ko. Badtrip na heels! Nakita kong lumingon sa akin si Louie at mabilis itong lumapit sa akin na para bang hindi niya na kailangang pag isipan. "You stupid.." gigil na sabi nito at tumingala muna bago hapitin ako sa bewang at buhatin. Naluha ako sa ginawa niya. Alam kong nag aalala siya. Ramdam ko padin iyon, pero bakit parang hindi sapat? Bakit masakit? Napatitig ako sa mukha niya habang buhay niya ako. Salubong ang kilay nito at sobrang dilim ng ekspresyon niya na halos hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya. "G-Galit ka ba?" Hindi niya ako tinapunan ng tingin. Hindi ko na nga alam kung paano kami nakarating sa labas at nakasakay ng taxi. "G-Gusto kasi kitang makausap, p-pero bigla ka nalang tumalikod at umalis." paliwanag ko. "Louie.." Kinagat ko ang labi ko at pinipigilang umiyak sa harap niya. "Faster will you?" iritado niyang sabi sa taxi driver at tumingin sa akin. "I'm not going to leave. I'm just going to get a coat for your f*****g dress to cover you up." matigas na sabi niya. "And damn your heels. You should stop wearing one." --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD