Lumipas pa ang ilang oras ay hindi parin siya nagsasalita, kahit na kausapin siya nang doctor ay ganoon lang siya, sa labas lang ang tingin niya, parang sobrang lalim ng iniisip niya at ayaw niyang sabihin sa amin. Ako ang magbabantay sa kanya ngayong gabi, pinauwi ko na muna sila ni Alice at Allisson para naman makapagpahinga silang dalawa. Nagtataka ako kung bakit narito si Prof Kim, and I remembered that she, too, is a Montenegro. "I will not ask you why are you here, ito nalang ang itatanong ko sayo, Prof, kaanu-ano mo siya?" Pagtatanong ko sa kanya. Nakaupo ito sa may sofa, katabi ko lang. Tulog na si Nicole sa kama niya. "Cousin ko siya, hindi man totoo pero 'yun parin ang turing ko sa kanya." Nakangiti niyang sagot sa akin. Napatango ako sa sinabi niya. Kaya pala ganoon nalang ang